FOURTEEN

799 47 1
                                    

ANDREA

"Anday need you now, tonight...... Anday need you more daneber..... Andipyo only hold me tayyyttttt....... We'll be holding on poreber.......
And we'll be lonely making it right....
Coz we'll never be wrong.......
Togeder poreber we can tikit til da in the line!
Lab is like a shadow on the time....

"Adonow wattodo....
Am always inda dark!
Libing in promise...hhmmmm.....in the pot....."

"Areally need you tonight!
Poreber's gonna start tonight......
Poreber's gonna start tonigh...
Wansapanataym, I was polling inlab
Now am only polling....apart...
Noting I can do....
Total eclipse of the harttt.....
Yeahhhh!!!"

Anak ng tupa naman oo! Kay aga-aga yan agad ang maririnig ko. Kumakanta na naman sa bakuran nila ang kapitbahay kong singer 'daw'. Ang sakit sa tainga ng boses niya. Nabulabog yata lahat ng tutuli ko.

Wala na ring tao maliban sakin. Malamang nasa school na ang kapatid at mga magulang ko. 'Yong isang lalaki ang hindi ko makita. Ang aga naman niyang lumayas. Saan na naman kaya nagpunta 'yon?

"Leti go......leti gooo...
Can't holdit back anymoreee...
Leti goo..... leti goooooo...
Turna way yand slamda doorrr....."

Malakas ko ngang binagsak ang pinto ng bahay namin. Sa sobrang lakas, nagkukumahog magsilayas ang mga alaga naming manok. May concert yata sa kapitbahay.

"Ay galit ka besh?"

'Besh?' Tumirik ang mata ko paitaas. Malamang sa facebook na naman nakuha nitong bruha kong kapitbahay ang salitang 'yan. May pang-internet naman. Bakit hindi nagawang magsearch ng lyrics ng kanta.

"Bakit mo kinandado ang bahay?Nasaan si Lark James?" Nakita ko siyang pasilip silip sa loob ng bakuran namin. Hindi ko na siya pinansin.  Malamang mangangapitbahay yan samin tuwing wala kami.

"Hey, you! Listen to me!"

Aba! Umi-ingles na naman ang bruha. Kaya pagbigyan. Hinarap ko siya. "You....your....you are....." tinuro-turo niya ako. Pustahan hanggang diyan lang yan. Iniharap ko sa kanya ang likod ng palad.

"Talk to my hand," maarteng sabi ko. Naiwan siyang nakanganga. Ano siya ngayon? Walang panlaban sa hiniram kong ingles sa pocketbook. Aminado akong hindi magaling pero nakakaintindi naman ako. Hindi tulad niya pilit na pilit.

Masisira lang ang buong araw ko kung papatulan ko siya. Nilakad ko lang hanggang sa paradahan ng tricycle. Nagbabakasakaling makita si payat. Pero ni anino ng lalaking 'yon hindi ko makita. Malalaman ko naman agad kapag nandoon sa poso dahil agad magkukumpulan ang mga babae doon. Mga dalagita, dalaga at kahit matatanda.

"Ma'am oh! Si Bruno nangungurot."

"Ayaw niyo kasi akong isali."

Nakaupo lang ako sa lilim ng punong kahoy at binabantayan ang mga estudyante ko sa plaza ng paaralan. Hinayaan ko na silang maghabulan pagkatapos ng P.E. kuno dahil ako rin ang unang napagod. Hinihintay ko lang talagang magtanghalian para makauwi na ko.

"Uhugin! Uhugin! Uhugin!" Pang-aasar ng pilyo kong estudyante sa kaklase niya.

"Ikaw panget! Panget! Panget!" asar din ng estudyante kong si taba kay Bruno.

Nakisali na ang ibang bata. Nilapitan ko na bago pa magkasakitan ang bubuwit. Saktong paglapit ko biglang umatungal ng iyak si Taba. Aba! Kinurot ba naman ni Bruno.

Kill me, BabyKde žijí příběhy. Začni objevovat