ONE

4K 158 14
                                    

ANDREA

~~After a month...............

"Nay...." Impit kong daing. Hindi ko na talaga kaya. Pakiramdam ko mawawalan na ako ng ulirat.

"Diyos ko! Ano ba'ng nangyayari sayong bata ka?" Natataranta na rin si Nanay siguro dahil sa nakahandusay at nakakapit na ako sa inidoro. "Hali na't tumayo ka ng makapunta sa bayan. Hitsura mo--Diyos ko!"

Nanlalambot talaga ako at nanghihina. Ang sama sama ng pakiramdam ng sikmura ko, parang gusto ko ng himatayin. Ano bang nangayari sakin? Simula nong unang linggo nararamdaman ko 'to. Nagigising nalang ako dahil sa sinisikmura. "O, Lord, mamamatay na ba ako? Nay....mamatay na ba ako?"

Nakatitig lang si Nanay sakin at kinakabahan na ako sa titig niyang yan. Bumaba ang tingin niya sa leeg ko. "Andrea, umamin ka nga sakin. Buntis ka ba?"

Natawa tuloy ako sa sinabi ni Nanay. Napakaimposible non. "Nanay naman--" Natigilan ako nang may maalala.

"Kailan ka huling dinatnat?"

Napapalunok akong tumitig kay Nanay. Nagsisimula ng manginig ang kamay ko sa pinaghalong takot at kaba. "H-Hindi ko na maalala--"

"Kahit kailan ka talaga! Alalahanin mo!"

"Eh, sa hindi ko na nga po maalala eh--aray! Nanay naman! Aray---" Hinawakan ko ang singit kong kinurot ni Nanay. "Nay!"

"Magbihis ka!"

"Bakit po?"

"Hoy, Yoseyna! Huwag mo 'kong pandilatan ng mata diyan! Magbihis ka doon at pupunta tayo sa bayan." Kinaladkad niya ako patungo sa silid ko. "Dalian mo!"

***

Napaigtad ako nang nagpakawala na naman si Tatay ng malalim na paghinga. Nanggaling na kami sa bayan at nalaman ang resulta. "Sino?" Sa wakas ay nagsalita rin siya pagkatapos ng mahabang katahimik at pagpapakalma sa sarili. "Sino?" may diin na nitong saad nang hindi ako sumagot.

Nagsisimula na akong sinukin dahil sa pinipigilang iyak. Hindi naman nananakit si Tatay pero mataas kasi ang paggalang ko rito at ng mga tao dito samin dahil nga isa siyang kilalang guro sa bayan.

Tahimik lang si Nanay sa tabi habang tahimik na umiiyak sa tabi ang nakababata kong kapatid, si Andres.

"Yoseyna Andrea!"

Napaigtad na naman ako kasabay ng malakas na pagsinok. "Ate..." bulong ng kapatid ko na halatang natatakot na dahil nakakapit na sakin habang si Nanay inaalalayan na si Tatay.

"Yong...yong k-kapatid ho ni Z-Zooey," mahina kong saad. Umatras ako ng upo nang biglang tumayo si Tatay. Pati na rin ang kapatid ko.

"Isilid mo na lahat ng gamit mo sa bag," may awtoridad nitong sabi bago pumasok sa kwarto.

Walang salitang pumasok ako sa silid at sinunod ang utos. Tinatakwil na ako ng sarili kong ama kaya wala na akong matutuluyan pa at ilang beses pa na kinurot ni Nanay ang singit ko. Lahat 'to kasalanan ng payat na yon!

"Ate.... ate, huwag kang umalis."

"Umalis ka nga diyan, Bonipasyo!" Singhal ko sa kanya. Huwag daw akong umalis pero tinutulungan naman niya akong kunin ang mga damit ko sa cabinet.

Kill me, BabyWhere stories live. Discover now