NINETEEN - fiesta

1.1K 52 8
                                    

YOSEYNA ANDREA

"Aalis na po kami. Nay, Tay!"

"Mag-iingat kayo mga anak."

Nakaparada sa labas ng bahay namin ang isang kulay itim na toyota innova. Lulan ang isa sa mga tauhan sa hasyenda na siyang nagmamaneho. Nasa tabi naman si Nana Felia. Tumabi ako sa kanila ni Zooey at Lorenz. Tumabi din si Lark samin gayong may espasyo naman sa likuran. Sobrang sikip na. Para na kaming mga sausage na pinagkasya sa lata.

"Tsugi!" Agad na bati ni Zoorenz pagkakita samin. Bitbit sa kamay ang isang saging. Tuwang tuwang pumalakpak at nagpapakarga sa tiyuhin.

"Hi baby Zoorenz. Namiss mo agad ako? Come to tito pogi, baby."

"Tsugi! Tsugi!"

"Pfffft!"

Ang sama ng tingin sakin ni Lark. Hanggang ngayon natatawa parin talaga ako sa tawag ni Zoorenz sa kanya. Nakikinita ko ng itong bata 'to ang magmamana ng mga kalokohan ng magpinsan.

"Am tsugi."

"Ang hilig kumain ng baby namin. Kaya ang taba...." pabitin na sabi ni Lark, binalatan ang saging na binigay sa bata saka sinulayapan ako. ".....TABA mo na."

"Ang cute kaya ni Baby Zoorenz," panggigigil ko sa bata. "Mabuti nalang walang dugong dumadaloy si Lark sayo. Nako! Pagnagkataon.... wala kang mamanahing maganda sa tito mo kaya mabuti nalang talaga!"

"Wala sa dugo yan. Sa pagpapalaki yan," kontra ni Lark. Nilalaro ang pamangkin. "Ang kagwapuhan ni Zoorenz sakin nakuha. Ang pagiging matapang kay Zooey. Kay Lorenz naman ang ba---"

"Ituloy mo Lark, ihahagis kita sa labas," banta ni Lorenz.

"Baba bro. Ang baba ang namana sayo," natatawang pakli ni Lark saka bumaling sakin. "May nakuha nga rin sayo, Andrea."

"Ano?"

"Ang pagiging matakaw. HAHAHA!" Malakas siyang natawa. Siraulo talaga ng lalaking 'to.

"Alam mo may isa pang nakuha si baby Zoorenz sayo. Ang kalikutan! Urong nga don!" Tinulak ko si Lark. Kung bakit ba kasi nagsiksikan kaming apat. Maya-maya ay natahimik siya. May kung anong binubulong sa pamangkin tapos matatawa.

"Ti.....ta... taba! Taba!"

Bago pa rumihestro sakin ang sinabi ni Zoorenz ay maririnig na sa loob ng sasakyan ang halakhak ni Lark. Kung ano anong kalokohan ang tinuturo sa bata! "Lorenz, sabihin mo lang. Ihahagis ko talaga tong pinsan mo sa labas," inis kong sabi. Napangisi lang si Lorenz. Pati si Nana Felia ay pinagtawanan lang kami.

Hindi na natahimik sa loob ng sasakyan dahil sa paghaharutan ng magtito. Patungo kami ngayon sa bayan dahil ngayon ang fiesta at maraming kasiyahan ang magaganap doon. Inimbitahan din kami ng isang tauhan sa hasyenda na nakatira sa bayan. Dumiretso agad kami doon para kumain. Doon ay asikasong asikaso kami. Halos wala ng paglagyan sa tiyan dahil sa dami ng pagkain na nakahain.

Inimbitahan naman kami ng ilan na magtungo sa mismong bayan. Nagpasya kaming maglakad nalang at iwan ang sasakyan sa 'di kalayuan. Hindi na kasi makasiksik ang sasakyan dahil sa dami ng tao. Maraming nagtitinda sa tabi tabi. Hanggang makarating kami kung saan ang peryahan. Sa isang tabi ay ang iba't ibang rides. May pangbata, pang-isip bata, at pangmatanda.

Hapon pa lang pero maingay na ang sound system na nagmumula sa mismong plaza. Doon ay may sayawan pagsapit ng gabi. Mayroon ding banda na tumutugtog.

"Diyos kong mga bata ito!" Bulalas ni Nana Felia.

Kami naman ni Zooey ay naaliw na sa panonood. Nakasakay sa kotse si Lark na hinahabol ang isa pang kotse na sakay si Lorenz kasama si Zoorenz. Aliw na aliw ang tatlo sa paghahabulan at pagbabanggaan. May ganito siguro sa maynila ang kaibahan nga lang dito ay walang anumang tubo na nakakabit sa bawat kotse pero may nakapalibot naman na bakod na kahoy. Yon nga lang, isang bangga lang ni Lark, bumigay na ang kabilang parte. Haha.

Kill me, BabyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin