NINE

1.7K 105 9
                                    

YOSEYNA ANDREA

"Payat!"

"Ano?"

Nilapag ko sa harapan niya ang sangkalan, kutsilyo kasama pati mga gulay. "Hiwain mo yan," utos ko sa kanya.

"M-Me?" Parang gulat pa siyang tinuro ang sarili.

"Aba'y sino pa ba ang ibang nilalang na narito?"

"Ako lang naman ang tao rito."

"Hindi ka tao, hayop ka."

"Baboy ka naman," sagot niya. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Balewalang hinawakan niya ang kutsilyo at mga gulay. "Damo na naman. Wala bang iba?"

"Ang arte mo."

Bumalik ako sa kusina para haluin ang bawang at sibuyas. Nagulat nalang ako nang nilapag na niya sa mesa ang mga pinahiwa ko sa kanya.  "A-Ano yan?"

"Hiniwang gulay."

"Diyos ko po! Anong ginawa mo?!"

"Hiniwa, ano pa ba?"

Napasapo ako sa noo na sinulyapan ang mga gulay. Hiniwa nga niya, parang pinaglaruan lang ng mga bata. Hindi parehas. May malalaki at sobrang liit. Yong kalabasa, hinawa lang. "Ano ba naman yan. Tanggalan mo ng balat at buto!"

"Hindi mo naman sinabi," paninisi pa niya sakin. Bumalik ulit siya sa sala para doon maghiwa habang nanonood ng palabas. Makalipas ang ilang minuto wala parin.

"Ang tagal, nasaan na?"

"Teka lang naman," aniya mula sa sala. "Akala mo naman madali ang magbalat at magbuto."

"Makupad ka lang talaga!" Natapos ko ng hugasan ang bigas at pati plato ay nahugasan ko na rin pero wala pa ang mga gulay. "Wala pa ba?"

"Pucha! O, ayan!"

Ibinagsak niya sa mesa ang sangkalan kasunod ang platong kinalalagyan ng gulay. Napamulagat ako sa nakita. "A-Anong ginawa mo?" Nanakit ang ulo ko sa nakita. Nagkagutay-gutay na yong mga gulay sa paningin ko. "Diyos ko naman payat! Simpleng bagay lang 'di mo magawa ng tama. Bakit pati ang talong at okra ay wala ng balat at buto." Ang hitsura ng mga gulay, latang-lata. Minurder niyang mabuti!

"Ano bang malay ko. Ikaw ang nagsabing balatan ko at tanggalan ng buto."

"Ang kalabasa lang!"

"Wala ka namang sinabi!"

"Tingnan mo nga yang ginawa mo, parang pagkain ng baboy--" Napatingin ako sa kanya. Nanliliit yong mata niya na nakatingin sakin. Nagpipigil siyang matawa. "Mag-igib ka ng tubig. Punuin mo yong drum."

"Seriously?"

"Oo, dahil maliligo ako."

"You've got to be kidding me! Sa poso ka nalang maligo. Papahirapan mo pa ako," pagrereklamo niya. Bumalik sa sala. Ang tamad talaga. Akalain niyo, hindi man lang marunong maghiwa ng mga gulay. Eh, daig pa siya ng mga bata rito.

Kill me, BabyWhere stories live. Discover now