TWENTY-NINE

1.1K 75 64
                                    

ANDREA

"Aba eh, kumusta ka naman diyan? Hindi ka ba sakit ng ulo sa pamilya ng asawa mo? Aba'y matuto ka namang mahiya at tumulong riyan! Wag puro kain at hilata ang gawin mo diyan! Nakakahiya naman sa pamilya ni Lark at baka anong masabi......"

Inilayo ko ang cellphone sa tainga saka nanghikab. Kay aga aga, ito ang gumising sakin. Bunganga ni Nanay ang almusal ko.

"Hello Andrea?! Anak?!"

"Ate!"

Napasimangot akong napatingin sa cellphone na nasa tabi ko. Malayo na sa tainga ko pero rinig ko parin ang mga boses nila. Hula ko'y nagkakagulo na naman ang mga yon.

"Hello Nay, kakain ho muna ako. Tawag ka nalang---"

"Anong oras na? Ngayon ka palang kakain? Diyos ko namang bata ka! Baka pinababayaan mo na ang sarili mo riyan?"

Napataas ang kilay kong iniharap ang cellphone sakin. Tingnan mo 'tong nanay ko. Daig pa ang may split personality.

"Aba eh, kung nahihirapan ka na diyan ay umuwi ka nalang dito."

Nanlaki ang mata ko. "Talaga ho?"

"Baka anong sabihin ng pamilya ng asawa mo. Magpaalam ka ng maayos diyan. Mag-aarkila ako ng magsusundo ngayundin."

"Andres, tingnan mo doon kung pwede yong jeep ng kapitbahay natin."

"Mang Juan! Mang Juan!"

Naririnig ko sa background ang boses ni tatay na inuutusan si Andres. Ang ang kapatid ko naman na sinigaw agad ang pangalan ng kapitbahay namin na may-ari ng jeep.

"Hindi na, Nay! Kaya ko namang umuwi mag-isa," masaya kong sabi. Excited na akong umuwi. Iba kasi yong nasa sariling pamamahay ako dahil pwede kong gawin anuman ang naisin ko. Hindi tulad dito na limitado ang kilos ko lalo na sa harap ng pamilya ni Lark.

"Eh, yong asawa mo?"

"Maiiwan," maagap na sagot ko.

"Nako ikaw Andrea! Kahit kailan, sarili mo lang ang iniisip mo. Pakausap nga ng asawa mo."

"Nasa trabaho ho."

"Aba'y linggong linggo, nagtatrabaho. Sa tuwing tumatawag ako'y laging wala ang asawa mo. Umamin ka nga sakin Andrea, na k'ila Lark ka ba?"

"Oo naman, Nay! Abala ho kasi yon sa paghahanapbuhay kaya laging wala."

"Aba'y mabuti yan dahil magkakapamilya na kayo. Tumawag ka nga sakin kapag nandiyan na ang asawa mo't gusto ko siyang makausap," ani Nanay.

"O-Oho. Kakain ho muna ako. Bye!" May sasabihin pa sana si Nanay pero pinatayan ko na ng telepono. Bakit ko ba pinagtatakpan ang hayop na lalaking 'yon?

Bumungad sa paningin ko ang napakaraming yakult sa loob ng refrigerator. Okay na okay na sana rito. Maraming pagkain at maayos na tirahan. Yong mga kasama lang ang problema. Lalo na yong matanda. Hindi naman siya tulad nong bagong nakilala ko pero napaka strikta at higit sa lahat atribida. Yong wala siyang bagay na hindi napapansin sayo. Hindi ako makatawa ng malakas, hindi makasigaw sa galit at higit sa lahat hindi pwedeng magdabog. Naninita agad yong matanda. Kahit nga pagbusangot ng mukha ko, hindi pinalagpas. Malas daw. Hayop!

"Have you had your breakfast?"

Napaigtad ako sabay lingon sa nagsalita. Inalis ko agad ang pagkakunot ng noo ko sabay ngiti ng mayumi. "Kakain pa lang ho."

Matiim akong tinitigan ni Lola Moni na parang tinatanya kung tao ba talaga ako o diyosa dahil sa ganda ng ngiti ko. Saka siya tumango. "Maghanda ka na pagkatapos kumain para makaalis na tayo," aniya pa.

Kill me, BabyWhere stories live. Discover now