SIXTEEN

933 46 1
                                    

YOSEYNA ANDREA

Nakaalis na ang halos lahat ng estudyante. Nagugutom na rin ako pero hindi pa ako makauwi dahil may naiwan pang bata sa room. "Hi Peter, hindi ka pa ba uuwi?" Talagang nangingilag sakin ang bata dahil sumiksik sa upuan niya nang lapitan ko. Umiling siya. "Tara, samahan na kita sa Kuya mo. Sumabay kana sakin."

Umiling ulit siya. Napipi na ba 'tong batang 'to at puro iling nalang ang ginawa. Nagpakawala nalang ako ng mahabang buntong-hininga. Tinalikdan ko na ang bata nang magsalita ito.

"Wala si Kuya dito."

Humarap ulit ako. "Ha? Nasaan pala?" Pinilit kong gawing mahinahon ang boses. Effective naman dahil nabawasan ang takot sa mata ng bata.

"Umalis."

"Saan nagpunta?"

Nagkibit-balikat lang siya. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Laging nag-iisa dahil palaging busy ang ibang kapamilya. "Uuwi na kasi ako. Isasarado ko na 'tong room. Saan ka pupunta niyan? Ihahatid na kita," alok ko. Umiling na naman siya na sinabayan ng pagkibit-balikat. "Gusto mong sumama sakin?"

Kahit hindi pa pumayag ay sinama ko. Aba! Aba! Aabutan ako ng siyam siyam sa batang 'to. Wala yatang alam gawin kundi ang umiling at magkibit-balikat. Kahit siguro nangigilag ay sumama naman siya sakin. Ang problema nga lang ay hindi ko alam kung saan siya ihahabilin. Ayaw ni tatay at hindi rin pwede kay nanay dahil makukulit ang mga studyante niya. Kaya sa huli napagpasyahan kong isasama si Peter.

"Sama ka nalang samin ha? Etetext ko nalang ang kuya mo. Nako! Bakit kasi umaalis si engineer nang hindi nagsasabi," ani ko sa bata. Tumango lang ito.

Nang makalabas kami sa gate ng paaralan. Agad tumayo si Donald pagkakita samin. Ngumiti pa siya sakin. Medyo umaliwalas na ang ayos niya.

"Ma."

"Ano na naman ba Donald?"

"Ihahatid na kita. Tara," aniya. Inagaw sakin ang mga gamit ko at naunang maglakad papalit sa tricycle niya

"Kaninong anak yang kasama mo? Hindi ko naman nakikita ito sa lugar niyo," aniyang sinulayapan ang kasama ko.

"Si Peter. Kapatid ni Paul."

"A-Ah. Saan natin siya ihahatid?"

"Isasama ko siya."

"Bakit?" gulat niyang tanong.

"Anong bakit?"

"Bakit kailangan mo siyang isama sa bahay? Doon nalang natin siya ihahatid sa tinitirhan nong enhinyero!"

Automatic na tumaas ang kilay ko dahil sa pagtaas ng boses niya. Aba! Alam ko na ang ganyang asta niya. Nagseselos to eh! "Wala siyang kasama don."

"Seyna naman," tunog pagrereklamo niya. "Nasaan ba yang si Paul? Hindi ba niya naisip ang kapatid niya? Susunduin ba yan sa inyo? Anong oras?"

Kung makaasta naman tong taong 'to. Akala mo kung sino. Ganyan yan siya nong kami pa. Hilig mang kontrol ng tao. "Hindi ko alam."

"Anong hindi mo alam?" Palingon lingon siya sakin at sa daan. "Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao na isasama mo sa bahay yang kapatid ng enhinyero ng paaralan."

"May masama ba ron kung isasama ko ang kapatid ni Paul sa bahay?" Talagang naisip pa niya yon? Eh ang pagsakay ko sa tricycle niya hindi man lang niya naisip. Hindi ko nalang pinansin. Kinabig ko papalapit sakin ang batang natakot kay Donald.

Kill me, BabyWhere stories live. Discover now