TWENTY-SIX

1.3K 78 31
                                    

ANDREA

"Wait! Let me help you."

"Thanks Larky!"

"Your welcome."

Tanghaling tapat may gumagawa ng eksena sa harapan ko. Nagluluto si Lara at si Lark naman ang nag-aassist. Dikit na dikit pa iyong mga braso nila. Ang sarap lang itali sa bangko ng magaling kong asawa.

"Ouch!"

Mabilis na naagaw ni Lark ang kamay ni Lara. Sinuri ito. "Be careful, Lara," aniya. Hinipan pa iyong napasong daliri ng babae.

Nag-iwas ako ng tingin. Saktong nagtama ang paningin namin ng nakangising si Lorenz na abala sa kakapaypay ng inihaw. Inirapan ko nga. Napakamapang-asar!

"It's okay! It's okay!"

"No! No!"

"I'm fine, Larky."

Pagbalik ng tingin ko'y hawak parin niya ang kamay ni Lara na itinapat sa gripo. Magkangitian pa sila. Naman talaga! Parang nong isang gabi lang, ako ang hinaharot.

Tumayo ako't tinulungan si Tita Therese sa pagdadala ng mga plato. Nandito kami sa may pool sa likod ng bahay. Nagkasundo ang pamilyang dito na magtanghalian.

"Kids, let's eat! Let's eat!"

Napuno ang mesa ng pagkain. Akala mo naman isang malaking pamilya na may isang dosenang anak ang kakain. Minsan talaga hindi mo maintindihan ang mga mayayaman. Ang daming handa tapos kung kumain patikim tikim lang.

"Anong gusto mong kainin, mahal?"

Tumayo si Zooey at dumulog sa mesa. Hawak hawak ang maluwang na pajama dahil lumilihis pababa. Malaki pa yong suot na t-shirt. Gulo-gulo na naman ang buhok. Hindi na naman naligo ang babaeng 'to! 'Diyos ko naman! May tubig naman, may sabon, napakatamad maligo. Ang sarap itulak at lunurin sa pool ng babeng 'to.'

"Ikaw."

Malaki ang ngisi sa mukha ni Lorenz na niyakap ang asawa. "Sige. Tara muna sandali sa taas," anito. Parang ako ang kinikilabutan sa sinasabi niya.

"Psx! Engot!" Sumalampak ng upo si Zooey. "Ikaw'ng bahala. Kahit ano kakainin ko," aniya. Umasim ang mukha ni Lorenz.

"Wag kasing assuming, bro!" Natawa ng malakas si Lark.

Asar na nilingon siya ni Lorenz bago ngumisi at bumaling sakin. "Nagtataka talaga ako kung anong nangyari sa mukha mo, Lark? Ang laking pasa naman niyan?"

"Oo nga, Larky. Where did you get this? Nakipag-away ka ba?"

Nakatingin na ang lahat kay Lark. Kahapon pa nila tinatanong ang tungkol sa malaking pasa niya sa mukha. Yong tinamaan ng tuhod ko, namaga kinabukasan at ngayon ay bahagyang nangingitim na.

"Good boy ako, Lara."

"Then, ano nga ang nangyari sa face mo?"

"I really don't know. Okay," ani Lark sa tonong tinatapos na ang usapan.
Tinignan ko talaga ang reaksiyon ng mukha niya. Hindi siya makatingin kahit kanino. "I was drunk. I don't remember a thing."

"Really bro?" Pambubuska ni Lorenz. Palingon-lingon sakin sabay may nakakalokong ngisi. Malamang alam na nitong loko kung paano si Lark kapag lasing. Ito na nga rin mismo ang nagsabing kahit si Dexter ay pinapatulan ni Lark kapag lasing. "Andrea, anong nangyari sa mukha ni Lark. Wala pa yon nong nasa party kami," painosenteng tanong ni Lorenz sakin. Ginagantihan talaga ng asar ang pinsan.

"Bakit si Andrea ang tinatanong mo?" Sikmat ni Lark sa pinsan na inis itong tinapunan ng sulyap. "Anong malay niyan?!"

"Ano nga ba?" Ganting tanong ni Lorenz at pinanlakihan siya ng mata. "Eh, kahit nga si Zoorenz na baby pa ay may malay na, si Andrea pa kaya."

Kill me, BabyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu