TWENTY-ONE

940 52 12
                                    

YOSEYNA ANDREA

"Andrea anak, huwag mong kalilimutan ang mga bilin ko. Limitahan mo ang kanin baka lumobo ka ng todo. Wag kang hihilata lang doon. Kumilos ka dahil hindi mo pamamahay iyon."

"Ikaw naman James, wag mo sanang pababayaan ang anak namin doon."

Marami pang kung anu-anong bilin si Nanay. Mula pa yan kagabi. Kinatok pa kami niyan sa silid para sa mga habilin niya na magpahanggang ngayong umaga ay hindi parin matapos-tapos.

"Andrea anak, tumawag kayo samin pagkarating doon."

Tumango ako. Nilingon ko muna ang nakasaradong pinto ng katabi kong silid. Nagpakawala ako ng mahabang paghinga. Nagkukulong sa loob ng silid niya ang kapatid ko. Simula nong away namin ay hindi na ako kinikibo non. Hindi sumasabay kumain kapag nandiyan ako. Tuwing umuuwi ay diretso agad sa silid at hindi na lumalabas. Hindi man lang kami nagkaayos ngayong aalis na kami.

"Kami na'ng bahala sa kapatid mo," ani Nanay sakin, inakay ako palabas.
Nasa labas naman si Tatay kausap ang mag-asawang Zooey. Nakaayos na ang lahat sa sasakyan. Ako nalang ang kulang.

Ang intrimidita kong kapitbahay ay nasa labas ng bakod nila. Nakatingin sa nakaparadang sasakyan. Umiiyak! Aakalin ng hindi nakakakilala na patay ang ihahatid namin. Lakas pang makasinghot!

Si Lorenz ang nagmamaneho katabi si Lark. Nasa likuran naman kaming dalawa ni Zooey. At may nakaupo pa sa likod namin. Maliban sa mga gamit ay ang dalawang malalaking teddy bear. Yong pink ang napanalunan ni Zooey sa fiesta. At yong asul ay akin. Yan yong biglang nawala ang magpinsan nong fiesta.

Nasa kalsada na kami patungong bayan nang biglang huminto ang asawa ni Zooey sa pagmamaneho. "What the---!" Bulalas ni Lorenz. Gulat na nakatingin sa sidemirror ng sasakyan. "Sino yan?"

Hindi na ako nagulat nang todo lingon din si Lark. Likas kasing tsismoso ang lalaking yan. Pagkatapos ay ako naman ang nilingon niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Si Andres," aniya.

"Ateeeeeeee! Ateeeeeee!"

Mabilis akong lumingon. Bumaba agad ako ng sasakyan. Malayo pa lang ay naririnig ko na ang atungal ng isang binatilyo na parang baka. Humahangos na tumatakbo pasunod samin. Nakasunod din dito ang isang aso. Hindi pa man nakakalapit si Bonipasyo ay nanunubig na ang mata ko.

"Ateeeeee!" Nadapa pa siya sa isang bato. Mabilis din tumayo. "Ateeee Yoseyna!" Sinalubong ko ng yakap si Andres. Ang higpit ng yakap niya sa baywang ko habang humahagulgol. Tumingala sakin si Bonipasyo habang pinapunasan gamit ng braso ang sariling mukha. "Ateeee, s-sorry."

Napangiti ako habang nagpupunas ng luha. Ginulo ko ang buhok niya. "Hitsura mo naman Bonipasyo. Hindi ko malaman kung nabugbog ka ba sa kanto o hinabol ng impakto," saad kong nakatingin sa paa niyang may dugo dahil wala na ang isang tsinelas. "Payakap nga!"

"Huwag kang magtatagal don ate, ha? Umuwi ka agad."

"Huwag mong pasasakitin ang ulo nila Nanay at Tatay, Andres ha?"

Mabilis na tumango tango si Bonipasyo. Mabait naman talaga ang kapatid kong 'to. "Ikaw lang naman ang nagpapasakit ng ulo nila Ate, eh," aniya. Sabi ko nga.

Lumapit naman si Lark samin. Ginulo niya ang buhok ni Andres at tinapik ito sa balikat. Sila naman ang nagpaalaman. Gusto pang pumasok ng aso namin sa loob ng sasakyan pero isang tingin lang ni Zooey sa aso ay nabahag ang buntot.

Dumating naman ang isang tricycle na minamaneho ni Tatay. Sakay si Nanay na binubungangaan si Andres. "Hala, humayo na kayo't mukhang malayo pa ang lalakarin niyo. Mag-iingat kayo mga anak," ani Tatay na hindi tumitingin sakin. Namumula yong mata. Tinalikuran agad kami. Pinasibad paalis ang tricycle.

Kill me, BabyWhere stories live. Discover now