SEVEN

2.3K 100 7
                                    

LARK JAMES

"Ahahahahahahaha!"

Nakakabwisit naman 'tong babaeng 'to. Siya lang ang tanging nakakabwisit sakin ng ganito. Pinagtawanan muna ako bago inawat palayo ang pusa niya. Naglagay siya ng betadine sa bulak habang tatawa-tawa pa at idinidikit sa mga gasgas sa braso ko.

"Anak ng pating ang pusang yan--ayan na naman, Lusyana!" gilalas kong turan. Papalapit sa gawi namin. Binato ko ng unan. Sumiksik pa talaga kay desperada ang pusa na parang nagpapakampi. "Stay away! Aray! A-Aray! Dahan-dahan naman!"

"Meowww!"

"Takot ka pala sa pusa? Ahahahaha!"

"Pwede ba! Palabasin mo naman yang pusa m--aray!" Binawi ko ang braso mula sa kanya. "Ang hapdi! Sinadya mong lagyan ng alcohol."

"Hindi ah," tanggi niya pero sa bawat pagdampi ng bulak sa balat ko ay masakit at mahapdi.

"Ako na nga!"

"Eh, 'di mabuti. Alis! Matutulog na 'ko." Tinulak niya 'ko paalis sa kama sabay hikab at nahiga ng pahalang. Wala na akong space na mauupuan. Bumangon uli siya't itinutok pa-steady ang electric fan sa kanya. "Hoy!"

"What?"

"Huwag na huwag mong aalisin sakin ang electric fan! Kwarto KO 'to at AKIN ang mga gamit dito. AKO ang nagbabayad ng kuryente! At huwag mong papatayin ang ilaw!"

Wala pa nga akong ginagawa at sinasabi ay inuunahan na niya ako. "I can't sleep."

"Aba! Eh, 'di hintayin mo akong makatulog bago mo patayin ang ilaw."

"How dare you!" Pucha! Baka akala niya hindi ko nahahalatang gumaganti siya sakin. At nagawa pa niya akong ngisihan.

"Mingming! Come here," aniya at ang malanding pusa tumabi ng higa sa kanya.

Inaasahan ko nang paghihirap sa mga kamay ni Desperada ang dadatnan ko rito pero hindi ko inaasahang ganito kalala. Inaantok na ako. Napagod rin ako kanina sa mahabang biyahe dahil galing pa kami non sa cebu. How the hell can I sleep in this room? Masikip! Maliit na kama at higit sa lahat  mainit!

"Ano ba 'tong kwartong 'to. Wala man lang kahit sofa."

Naririnig ko na ang malakas na hilik ni Desperada. Nakasandal na ako sa cabinet sa sahig dahil nasira na ang kaisa-isang upuan na nandito. Parang kaawa-awa naman ng dating ko kung sa sahig ako matutulog. Ayos lang sana kaso, wala man lang comforter. Hindi ko alam kung saan maghahagilap ng pwedeng isapin sa sahig. Takte! Pagtatawanan ako ng mga kaibigan ko nito.

May espasyo naman sa tabi niya. Pero pucha! Nandoon nakahiga ang malanding pusa. Hindi bale ng mahiga nalang ako sa sahig. May pumasok na idea sa utak ko. "Hehehe." Marahan akong lumabas ng silid at hinanap ang lalagyan ng tuyo.

Inilagay ko ang may taling tuyo sa kama. "Landi....sewesewe..... Come here." Habang dahan-dahan kong hinihila ang kabilang dulo ng tali ay nakasunod naman palabas ang pusa. Napangiwi akong napatingin sa pwet nito. Pakinding-kinding pa--kadiri! "Ayan. Sige lang. Landi... sewesewe... Come. Come. Aisssh!"

Kill me, BabyWhere stories live. Discover now