THIRTY

1.4K 73 33
                                    

ANDREA

Si Lark agad ang namulatan ko ng mata na abala sa pag-aalsa ng maliit na barbell. Walang pang itaas. Basang basa ng pawis yong buhok na tumutulo sa katawan niya. 

TUGDUG! TUGDUG! TUGDUG! TUGDUG!

Tumigil siya sa ginagawa at humarap sakin. "Good morning," aniya habang sinuklay ng daliri ang buhok paalis sa mukha.

TIGIDIG! TIGIDIG! TIGIDIG! TIGIDIG! TIGIDIG! TIGIDIG!

Iniwas ko ang paningin sa kanya. Kung kanina ay daga lang iyon, ngayon ay naging kabayo na!

'Diyos ko naman! Malala na yata ako!'

Humarap siya sakin saka lumapit. Palapit ng palapit ng palapit. Dumikit na yata ang pwet ko sa kama dahil hindi ko magawang kumilos. Iniunat niya ang mga braso niya sa likod ko. Napapikit ako.

'TUGUDUG!'

'TUGUDUG!'

'TUGUDUG!'

'Yong puso ko, Diyos ko!'

"Aherrrmmm!" Malakas niyang tikhim na nagpamulat ng mata ko. Umangat yong gilid ng labi niya habang nakatunghay sa mukha ko. Nasa kamay na niya ang tuwalya na kanina ay nakalapag sa kama.

'Akala ko yayakapin niya ako. Puny*ta talaga!' Hindi ako mestiza pero ramdam ko ang panginginit ng pisngi ko.

"Mauna ka ng bumaba. Susunod ako," aniya. Naramdaman ko talaga yong tinatawag nilang slow-motion.

'DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG!'

Yong puso ko! Mula sa daga na naging kabayo, ngayon ay mistulang kulog na yong tibok. Napahawak ako sa dibdib nang lumabas ng silid.

"Good morning, Andrea. Have a sit."

Dumulog na ako sa mesa. Hindi nagtagal ay bumaba na rin si Lark.

"Good morning, everyone!" masiglang bati niya sa lahat bago maupo sa tabi ko. Naligo na siya sa pawis kanina pero mabango parin. Mas mabango pa nga siya sa pagkaing nasa hapag.

Mas malala pa ang epekto ni Lark sakin kaysa sa mga kwentong maligno na kinakatakutan ko. Hindi ko na halos malunok ang kinakain ko. Mabuti nalang at wala ang matanda.

"Maganda ba ang gising mo, bro?"

"Pogi ang gising ko, bro. Hindi maganda," nakatawang sagot ni Lark. Tumaas ang kilay nilang lahat habang nakatingin sa kanya.

"Masarap ba ang palo't sipa ni Lola nong nagdaang gabi at nagagawa mo paring ngumiti ngayon?" pang-aasar ni Lorenz.

"It doesn't hurt a bit," nakangising bwelta ni Lark.

"Nagawa mo pang ngumiti habang sinisipa ka ni Lola, ah!" manghang puna ni Lorenz na tinuro ng tinidor ang pinsan. "Loko ka, bro! Akala ko aatakehin na si Lola dahil sayo," muli nitong sita.

"Where is she?" bulong ni Lark. Dumukwang ng bahagya sa pinsan.

Dumukwang din si Lorenz at bumulong din. "Nasa taas nagpapahinga. Masakit daw yong batok."

Sa lakas ba naman ng sigawan namin ay nabulabog talaga yong matanda. Sinugod agad nito si Lark nang mabungaran akong umiiyak. Hindi ko na alam ang nangyari dahil naiwan ako sa silid. Tanging boses ng matanda ang naririnig ko na pinapagalitan si Lark. Nakatulugan ko nalang ang pag-iyak.

"Tita Taba! Tita Taba! Tita Taba!"

Hindi ko na kailangang lingunin kung sino yan. Nilapitan ko si Zoorenz sa harden. Inirapan ko si Lorenz nang tumawa. "Hahaha! Wag ka sakin magalit. Si Lark ang nagturo diyan," aniya. Nilingon lang niya si Zooey saka binalingan ako. "Iba ang aura ni Lark ngayon, ah! Anong ginawa niyo kagabi?"

Kill me, BabyWhere stories live. Discover now