Ang Kwento sa Likod ng IILWAM

34.4K 853 73
                                    


Dear Angels & Readers,

Una, gusto ko muna po magpasalamat sa sumubaybay sa story nina Osang at Hunter. Sa totoo lang, na-challenge talaga ako sa twist nito. Kung nakarating kayo sa bahaging 'to, natitiyak ko naman po sigurong nakatapos na kayo sa pagbabasa. Pero kung hindi pa, i-suggest na skip ninyo ang parteng ito dahil spoiler po talaga siya to the max. Hahaha! Sorna!

I think nasa Chapter 30+ po yata nang medyo unti-unting nababago ang takbo ng kuwento. To be honest, tapos ko na talaga ito i-type offline. Ganoon naman talaga ako. Kung unti-unti man ang posting ko, iyon ay para bigyan ang sarili kong gumawa naman ng ibang kuwento (Though, sadly, hindi ko pa alam if masusundan ko agad ito. Busy na sa life). 

Nang mabasa ko po mga comments... Naramdaman ko na 'di pa kayo ready sa ganoong style ng panulat ko. Talaga pong naiiba ang atake ko roon kasi may pinagkuhanan akong inspirasyon sa kuwentong ito. Okay, simulan ko na... Spoiler po ito, ha?

Nakasakay ako noon sa bus paluwas ng Maynila. May dalawang babae sa likuran ko nagkukuwentuhan about sa namatay na lalaki. May kapatid na batang babae ang lalaki. Wala pang nako-contact na kung sinumang kaanak ang magkapatid dahil puro nasa malayong lugar. Parang parteng Visayas pa yata iyon. Hindi ko na lang alam eksaktong lugar kasi wala naman talaga ang focus ko roon. Tamang naririnig ko lang, pero hindi ako masyadong tutok. Inatake pala sa puso ang lalaki. Ilang araw yata bago makita ang bangkay. Naiwang nag-iisa ang batang babae sa bahay, pero parang normal lang kalagayan ng bata at hindi hinahanap ang Kuya niya. Hindi rin umiiyak. Nang tanungin ang bata kung nasaan ang Kuya niya, ang sagot lang, e, natutulog sa kwarto. Hindi raw nasabi agad sa bata ang nangyari. Parang nagtataka sila kung paano nangyari iyon. Siguro raw inalagaan ng kapatid. Tapos may mga kaanak na biglang dumating galing probinsya dahil hindi pinatulog ng lalaki. Iyon daw pala ay patay na at ibinibilin ang batang kapatid. 

Kinilabutan ako ng mga panahon na iyan. Kataon ding nag-iisip ako ng plot twist noon ng #IILWAM kasi talagang sabaw ako. Puro harutan lang ang pumapasok sa isip ko. 

So, ayon... Originally, namaalam talaga ang Kuya ni Osang sa story na 'to. Pero naisip kong marami pang hindi bukas ang iba sa ganoong kuwento. Weird pa ang dating sa iba. Kaya ayon, na-challenge pa rin ako sa mga comment ninyo at inisipan kong maigi kung paano ma-justify ang napanindigan ko nang kuwento noong una. Sumakit po ang ulo ko sa totoo lang! Hahaha! 

Gusto ko lang ikuwento kasi gusto ko lang bigyang linaw ang lahat. Hindi po ako nagsusulat ng horror. Hahaha! Pero basta, may ibang kapit kasi sa akin ang storya ng dalawang ito lalo pa't naiisip ko ang kuwentuhan ng dalawang babae sa bus.

Sorry at walang sense ito. Hahaha! Pero iniyakan ko kasi 'yong parte ng mga scenario na kasama ang Kuya ni Osang. 'Di n'yo na nga lang nabasa ang iba. Kinailangan ko rin kasing i-revise ang ibang convo. Hahaha! Sorna!

Pero muli, ay nagpapasalamat ako sa mga nagbasa. Sana maisunod ko na si Terrence. Sana. Or kung hindi man, salamat at naging parte kayo sa journey ko bilang manunulat.

Paalam na nga ba ito? Bahala na si Lord. Salamat po ulit sa lahat.


Love,

Ate Mommy Dean


I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon