Chapter 21

30.3K 1.1K 52
                                    

C H A P T E R 2 1

Hunter Carlson

Kanina pa ako hindi mapakali sa paghihintay. Bakit ang tagal niyang dumating?! Inis kong ginulo ang aking buhok at aburidong nagpari't-parito sa sementadong daan.

This was nuts. Dapat yata ay ipaalam kong may cell phone na rin ako para hindi ako napa-praning ng ganito sa paghihintay.

What if someone kidnapped her because of me?

But no.

Umiling ako at pilit na kumalma. Hindi makabubuti kung mag-iisip ako ng masama. She's okay. She's probably out, having dinner with her officemates and with that guy...

Shit.

I didn't want to go there.

Kahit pa hindi totoong mag-asawa kami, hindi pa rin tamang lumabas siya kasama ang ibang lalaki. People here knew that she's married to me! Sa akin lang at wala ng iba pa!

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at mariing pumikit. Nang ma-realize ang aking reaksyon ay umiling-iling ako at tinawanan ang aking sarili.

I couldn't be jealous, right?

Nah. I am not jealous.

I was just worried.

That's all.

Tumangu-tango ako at noon na tuluyang kumalma.

I am not jealous.

No.

Nang may maulinagan akong paparating na sasakyan ay dali-dali akong pumasok sa madilim na eskinita papasok sa sakahan. Huminto ang puting Fortuner. Bumaba ang driver ng sasakyan at noon ko na lang napagtanto kung sino iyon.

The douchebag who was trying to hit on my wife.

Napatiim-bagang ako at umiling-iling sa kawalan.

I couldn't believe this. Alam na may boyfriend, pero balak pa rin yatang pormahan si Osang?

Binuksan nito ang passenger's seat at mula roon ay lumabas ang babaeng kanina ko pa hinihintay. Inalalayan ng gago ang asawa kong sobrang lapad pa ng ngiti.

Seriously?

Naningkit ang aking mga mata at pinigilang sumugod.

All right. I am jealous.

Kung bakit at paano iyon nangyari ay hindi ko rin maintindihan. Nasanay lang siguro akong walang kahati sa atensyon.

Tama. Iyon lang iyon.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at muling kumalma. I needed to fucking calm down. Maliit na bagay lang ito.

"Ingat ka, Calvin. Salamat sa paghahatid, a."

"Puwede naman kitang ihatid hanggang looban," hirit pa ng gago.

Namaywang ako at umiling-iling sa kawalan. Pa-impress naman, huh?

"Ayos lang ako. Salamat ulit sa treat, a."

"Basta ikaw. So, I'll see you tomorrow?"

"See you. Ingat ka."

"Thanks. Ikaw din." Nakangiti pa itong naglakad pabalik sa driver's seat.

Ilang beses pang kumaway si Osang bago tuluyang umandar ang sasakyan nito palayo.

********

Mariposa

Nang tuluyan nang makalayo ang sasakyan ay tsaka ako dali-daling pumasok sa madilim na eskinita. Pero hindi pa man ako nakararami ng hakbang ay agad kong natanawan ang pamilyar na pigura na noo'y nakapamaywang.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon