Chapter 19

34.3K 1.1K 44
                                    

Note:

Ang full SPG Part ay matatagpuan sa external link sa ibaba or search IILWAM PRIVATE CHAPTERS sa aking wall. Pasensya na at may mga bata akong readers. Sa ganitong paraan man lang, makatulong akong 'wag na marumihan lalo ang inyong mga utak. Hahaha! Sa mga matatanda riyan, gora na. Click na ang link agad-agad. 😂

❤ Ate Mommy Dean

********

C H A P T E R 1 9

Mariposa

Nagmamadali akong gumayak kinabukasan upang mabawasan ang time na kailangan naming mag-usap ni Hunter. Kagabi pa lang ay panay na ang iwas ko sa takot na baka nga unti-unti nang bumabalik ang alaala niya.

"Are you feeling okay now?" nakangiting bungad pa niya at wala ako sa sariling hinaplos ang dibdib ko sa sobrang gulat.

Ako lang ba talaga ang inaabangan niya?

"Good mowning!" I tried to act normal kahit na nga tinatambol ang puso ko sa sobrang kaba.

Dinaanan ko nang haplos ang suot kong damit sa pag-asang maitatago ko ang kaba. May kakaiba sa mga titig niyang hindi ko kayang ipaliwanag. Para bang may alam na siya, pero wala lang sinasabi. Or hindi kaya masyado rin akong nag-iisip?

"Breakfast is ready." Inginuso pa niya ang aming pagsasaluhan sa mesa.

Kumunot ako at wala sa sariling tumitig sa mga nakahain sa mesa.

May ham, eggs at tasty bread... Wala akong maalala na binili ko iyon, a!

"Pumunta ka ba sa palengke?" Hindi pa man nasasagot ang tanong ko ay parang gusto ko nang umusok sa galit. Delikado para sa kanya ang lumabas at magpakita na lang basta sa mga tao! Kahit pa sabihing hindi siya celebrity, may mga pagkakataong naipapakita pa rin siya sa telebisyon lalo pa noong inakala ng lahat na patay na siya!

"Yup. I just wanted to try something new," kaswal na sagot pa niya na akala mo ba normal lang iyon.

"Where did you get the money?!"

"May naiwan kang pera sa table. So, I thought I am allowed to get out of here."

Saglit akong napaisip sa sinabi niyang iyon. Wala akong maalalang nag-iwan ako ng pera!

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at pilit na kumalma. Hindi ako dapat magpakita ng kahit na anong reaksyon na puwede niyang pagdudahan.

"Look, por-" Not that one, Osang. "Love... Kung may kailangan mang bilhin sa palengke, ako na ang bahala. Baka kasi kung mapaano ka roon. May makasangga ng ulo mo or something. Wala pa ngang bumabalik sa memorya mo."

Tila nakaunawang tumangu-tango lang siya habang nakanguso.

"I understand where you are coming, but you don't need to worry. I can take care of myself."

"Pero kasi-"

"I will be fine, okay? Huwag mo akong alalahanin." Pinisil niya ang pisngi ko at matamis na ngumiti. "Let's eat."

Wala ako sa sariling tumango kahit pa sobrang nag-aalala. May posibilidad kayang may nakakilala sa kanya? Dapat na ba kaming lumayo sa lugar na 'to?

Hinila niya ako paupo sa bangkito at wala pa rin ako sa sariling sumunod. Naglalakbay ang utak ko sa napakaraming posibilidad. Kahit pa hate na hate ko ang dating Hunter, mahal ko naman ang Ding na kinilala kong asawa ko.

Mariin akong pumikit sa biglaang tensyon na naramdaman.

Mahal ko si Hunter.

Shit.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon