Chapter 47

29.4K 1.1K 45
                                    

CHAPTER 47

Mariposa

Hindi ko maipagkakailang naapektuhan ako sa mga sinabi ni Madeline. Ganoon na ba kabuhos ang atensyon sa akin ni Hunter para balewalain niya ang ibang investors?

Humugot ako ng isang malalim na buntonghininga at kumunot.

Dapat ko nga bang paniwalaan ang sinabi ng babaeng iyon?

"A penny for your thoughts, Love?"

Dali-dali akong bumalik sa wisyo nang marinig ang boses na iyon. Nakaupo na pala siya sa aking tabi ay hindi ko pa namalayan.

"Sorry, Love, may naiisip lang." Mapait akong ngumiti at dumiretso ng upo. "Tito mo?"

"May kausap lang. May problema ba?" nag-aalalang tanong pa niya.

Halatang hindi siya kumbinsido sa naunang sinagot ko.

"Kumusta naman ang kompanya?"

Kumunot siya at alanganing ngumiti.

"Why are you suddenly concerned about the company?" may pagtatakang himig pa niya.

Humugot ako ng isang malalim na buntonghininga at pilit na nanimbang. Dapat ko bang sabihin ang sinabi sa akin ng ex niya?

"Nilapitan kasi ako ng ex mo." Hindi ko na rin napigil na sabihin.

"Madeline?" Agad na nagsalubong ang kanyang kilay. "What the hell did she tell you?"

"Sagabal ba ako sa 'yo, Love? I mean... hindi mo naman ako kailangang intindihin. Kung kailangan mong pumunta abroad para sa negosyo, puwede mo naman akong iwan dito."

Napatiim-bagang siya na para bang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Kung kailangan kong pumunta abroad para sa negosyo, isasama kita. Hindi kita kailangang iwan, Osang. Please, huwag kang nakikinig sa iba." Umiling-iling ito na para bang disappointed. "Besides, wala namang malalang problema sa kompanya ngayon na hindi ko kayang i-handle."

Natahimik ako at 'di nakapagsalita agad.

"Wala akong puwedeng maitulong sa 'yo... Si Madeline, maraming connections. Matutulungan ka niyang ibangon ulit ang SVGC."

"I don't need anyone's help nor Madeline's. Kaya kong lusutan ang naging issue sa akin ng investors," mariing sabi pa niya. "Pero ang sabihin mong wala kang maitulong sa akin, hindi ko gusto 'yan. Why are you thinking like that, huh?" Lalong kumunot ang noo niya.

Kinagat ko ang aking labi at ngumuso. Nagagalit na tuloy siya.

Tumahimik siya at tila iritadong tumingin sa malayo.

Nang dumating ang iba pang pagkain ay nakabibingi pa rin ang kanyang katahimikan. Tamang paminsan-minsan siyang nagsasalita kapag may tinatanong si Tito Bien. Pero bandang huli ay tumahimik na lang din ito at mukhang nakahalata na rin sa mabilis na pagbabago ng mood ng pamangkin.

Makatapos kumain ay agad na ring nagpaalam si Tito Bien. Tahimik kaming dumiretso sa sasakyan niya habang ang ilang security ay taimtim ding nakamatyag sa paligid.

Nang makapasok sa loob ng sasakyan ay nakabibingi pa rin ang katahimikan niya.

Ilang beses kong sinubukang magsalita, pero nauunahan ako ng hiya.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakbay nang biglang tumunog ang cell phone nito. Agad din naman niyang sinagot iyon at bumungad ang boses ng security.

Sir, may nakasunod po sa inyong black van. Parang hindi humihiwalay. We suggest na mag-iba po muna kayo ng route.

"What?!"

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon