Chapter 34

30.3K 1.2K 89
                                    


C H A P T E R 3 4

Mariposa

Ginagap ni Hunter ang aking kamay at banayad akong hinila papasok sa maliit na eskinita. Huminto kami sa pinakagitna kung saan tanaw pa rin namin ang kaibigan niya, pero natitiyak kong hindi na rin kami maririnig.

Nang humarap siya sa akin ay agad kong napansin ang kakaibang tensyon sa kanya. Hindi ko tuloy naiwasang kabahan.

"Love, I have something to tell you... I can understand if you'll hate me after hearing this..." panimula pa niya.

Kumunot ako at mataman siyang tinitigan. Parang may kakaiba sa dating ng mga salita niya. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"A-ano bang sinasabi mo?"

Malungkot ang mga mata niyang tumitig sa akin. Parang gustong mag-alangan.

"Tell me, Hunter."

"I remember a few details on how I get off the car before it exploded." Kinagat niya ang kanyang labi at humugot ng isang malalim na buntong-hininga. "Someone helped me..."

"Oh... Nakilala mo?"

Marahan lang siyang tumango.

"Bumalik siya sa sasakyan para kunin ang nalaglag na gift niya..." Saglit pa niyang pinutol ang pagsasalita. "Para... sa 'yo..."

Agad na kumalabog ang puso ko sa sinabi niyang iyon.

"Kilala ko kung ganoon? Wala naman akong namatay na kaanak-"

Umawang ang mga labi ko nang ma-realize ang ibig niyang sabihin sa akin. Ilang beses kong pinilit magsalita, pero hindi ko rin malaman kung anong dapat na sabihin.

"I'm sorry. I don't know how to tell you. I just remember that detail and I couldn't keep it to you."

Umiling-iling ako. Ang hirap iproseso nang sinabi niyang iyon! Impossible!

"No. Impossible 'yang iniisip mo. Puwedeng ibang kakilala iyon! No!" 

"I know... It could just be a fragment of my memory... Pero nandoon ang Kuya-"

"Stop it! Impossible 'yang sinasabi mo! Walang masamang nangyari sa Kuya ko!"

Agad na naglandas ang luha sa aking mga mata nang hindi ko namamalayan. Mabilis na nagsikip ang aking dibdib at wala ako sa sariling diniinan ang tapat ng aking puso. Pakiramdam ko ay bigla akong nahirapang huminga.

"Si Kuya ang naghatid sa 'yo! Nakita ko siya! Nakausap ko! Kaya impossibleng siya iyon!" giit ko pa kahit na wala nang ampat ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.

Alam kong buhay si Kuya. Nakausap ko pa siya! Alam kong buhay siya!

"You're lying! Hindi ko alam kung ginagawa mo ba ito para paghigantihan sa kalokohang ginawa ko, but we still saved you!" gigil na sigaw ko pa.

"Osang, I'm s-sorry but-"

Kusang dumapo ang aking mga kamay sa kanyang pisngi. Sa lakas ng sampal ko ay pumaling ang kanyang mukha at bumakat ang aking mga daliri roon.

"You're a monster! Hindi ka na sana namin iniligtas!" 

Natutop ko ang aking dibdib nang maramdaman ang sobrang pagkirot noon. Kirot na higit pa sa pag-abandona ng mga magulang namin!

"Osang-" Tangka sana niyang hahawakan ako, pero tinabig ko lang ang kanyang kamay.

"Huwag mo akong hawakan!"

Nanlulumo siyang dumiretso ng tayo at nagluluha ang mga matang tumitig sa akin.

"I'm sorry, Osang. I know it's my fault... Kung siguro hindi niya binalikan ang regalo niya sa 'yo, hindi sana siya-"

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon