Chapter 51

35K 1.3K 59
                                    

C H A P T E R 5 1

Mariposa

Ilang araw ding pinagkaguluhan ng media ang balita kay Hunter at sa mga sangkot sa tangkang pagpatay dito. Wala ni isang beses siyang nagpaunlak ng interview kahit pa sa mga bigateng t.v. stations.

Inabala ni Hunter ang sarili sa trabaho, pero may mga panahong tulala siya at nakatingin sa kawalan. Sinamahan ko siya sa kabila man nang pag-aalala ko para sa aking kapatid.

Nasaan na ba talaga si Kuya?

"Osang..."

Agad akong napaangat ng tingin sa tumawag.

Si Russ.

Mapait siyang ngumiti at sinenyasan akong sumunod sa kanya papunta sa opisina ni Hunter.

May kung ilang araw ko rin siyang hindi nakita dahil ibinuhos na muna nito ang panahon para sa kanyang pamilya. He was indeed a good friend. Pansamantala niyang isinakripisyo ang pamilya para lang matulungan ang kaibigan.

Napakasuwerte ni Hunter.

May security na nakabantay sa pinto ng opisina ni Hunter, pero agad din iyong binuksan nang malapit na kami.

Unang pumasok si Russ at nakasunod lang ako.

Sa dami ng mga tumatakbo sa isip ko, ni hindi ko agad napansin ang lalaking nakaupo malapit sa table ni Hunter.

"K-k-kuya?"

"Osang!"

Mabilis siyang nakatayo at agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap. Humagulgol ito na tila ba namatayan.

"I'm sorry, B-bunso..." Bumitiw ito sa akin at luhaang hinarap ang kanyang mukha.

Agad ding naglandas ang luha sa aking mga pisngi nang hindi ko namamalayan.

Buhay ang Kuya ko!

"Patawarin mo ako! Patawarin mo ako!"

"B-bakit?" Inabot ko ang kanyang pisngi na bahagyang nahumpak at hinaplos iyon. Mas lalo lang akong naiyak. "Saan ka ba nagpunta, Kuya?! Bakit mo ko iniwang mag-isa?!"

Humagulgol ako at hinayaang ilabas lahat nang nararamdaman.

"Bakit mo ako iniwan?! Bakit mo ako iniwan?!"

Hinigpitan niya ang yakap sa akin at kahit pa punong-puno ng tampo at pag-aalala ang puso ko, sapat na iyon para tuluyang maglaho lahat ng sakit.

Sabay kaming umiyak habang yakap yakap ang isa't-isa.

Nang medyo humupa ang aking pag-iyak ay hinila niya ako palapit sa sofa at pinainom ng tubig. Noon ko na lang napansin na apat na lang kaming nasa loob. Sina Hunter at Russ na lang ang naiwan. Wala ng security na nagbabantay.

"We found him hiding in the woods," si Russ na seryoso pang sumulyap kay Hunter. "Hindi kami tumigil sa paghahanap, Osang."

"Hiding? Bakit Kuya? Bakit kailangan mong magtago?" Kumunot ako at mataman siyang tinitigan sa mukha.

Nag-aalangan pa siyang sumulyap noon kay Hunter na sobrang seryoso pa rin ng mukha.

"Natakot ako, B-bunso... Natakot ako..." panimula pa ni Kuya na hindi pa man ay nagluluha na ang mga mata. "May lalaking nagbayad sa akin para lang tumambay sa kurbadang iyon. At ang bilin lang sa akin, hindi ako puwedeng umalis hangga't hindi nila sinasabi."

"Nagbayad?" Lalong kumunot ang aking noo. 

Naiisip ko pa lang na may kinalaman siya sa nangyari kay Hunter ay parang dinadapuan na ako ng hiya.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon