Chapter 39

29.2K 1.2K 47
                                    

C H A P T E R 3 9

Mariposa

Hindi ko masigurado kung nagkaringgan lang ba ako sa sinabi niyang iyon. Magpapakita na siya sa media?

"S-sigurado ka na ba riyan?" Kumunot ako at mataman siyang tinitigan sa mukha.

Hindi ko alam kung makakabuti bang magpakita siya nang hindi natatapos ang imbestigasyon.

"I need to put an end to this. Ayokong maraming buhay pa ang madamay dahil lang sa akin," malungkot pang aniya habang marahang nauupo sa katapat kong upuan.

Sumenyas siyang kumain na ako at wala pa rin ako sa sariling sumunod.

Tahimik siyang sumimsim ng alak habang nakatitig sa ginagawa kong pagkain. Kahit pa alam kong nakatuon sa akin ang atensyon niya ay parang ang layo pa rin nang nararating ng kanyang isip.

"Ayos ka lang ba?" hindi ko na rin napigil itanong.

Tila ba gulat pang umawang ang kanyang mga labi at saglit na natigilan.

"A-ayos lang... May naiisip lang ako."

Tumango ako at nakahiyan na sundan ang tanong.

"Masarap ba ang luto ng ulam?" tanong pa niya na para bang sinasadya lang na ibahin ang tema ng usapan.

Tumango-tango ako habang nginunguya ang pagkain. Ang dami kong gustong itanong, pero nauunahan ako ng hiya.

"I'm sorry if I brought you into this mess," malungkot pang aniya habang iginagala ang tingin sa paligid. "Wala sanang nangyaring masama sa Kuya mo kung wala siya sa mga panahong iyon."

Nilunok ko ang natitirang pagkain sa aking bibig at uminom ng tubig.

"Baka wala ka na rin kung hindi ka natulungan ni Kuya..." Mapait akong ngumiti at nagpigil na umiyak. "At tsaka, kung nasaan man siya ngayon, alam kong maayos siya. Makikita rin natin siya."

"Pero possibleng kaya nawawala ang Kuya mo dahil sa akin... I wouldn't blame you if you feel resentment against me. I would understand."

Umiling-iling ako at mapait na ngumiti.

"After all that happened, I don't think I could hate you."

Mapakla lang siyang ngumiti sa sinabi kong iyon. Parang ang dami pa ring naglalaro sa kanyang isip.

"I am not a San Victores..."

Nalaglag ang panga ko at natulala sa ipinagtapat niyang iyon. Gumuhit ang lungkot sa kanyang mukha nang  sumimsim ulit siya ng alak sa baso.

"I was only adopted by my parents," pagpapatuloy pa niya. "My real Mom died from cancer and my real Dad was still in jail... rapist of my real Mom." Sinundan pa niya iyon ng mapaklang ngiti.

"I'm sorry..." Iyon lamang ang mga salitang kaya kong sabihin sa pagkakataong iyon.

Hindi ko naisip na may ganoon siyang nakaraan gayong nasubaybayan ko ang buhay niya bilang isa sa sikat na batang negosyante sa bansa.

"And Russ was thinking that my past had something to do with what was happening to me right now."

"A-akala ko ba dahil sa video scandal?" Parang kinukurot ang puso ko sa alalahaning iyon.

Alam kong wala akong karapatang magselos, pero hindi ko maiwasan.

"There were just too many possibilities..." nag-aalangan pa niyang sagot. "I am not proud of who I am before. I hope that was clear to you."

Tumango ako at pilit na itinuon ang atensyon sa pagkain.

Hindi perpektong lalaki si Hunter. Katulad ng iba ay nagpakasasa rin siya sa kasikatan at kapangyarihan. Kung nakukuha man niya ang babae ng walang kahirap-hirap, siguro nga ay hindi ko rin dapat ibunton sa kanya ang buong sisi.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon