Chapter 43

32K 1K 22
                                    

Full SPG Part is on the link below or you may visit my profile and look for the separate book entitled IILWAM Private Chapters.

Salamat sa pang-unawa. Ang mga bata ay manatili na lang po sana sa pahinang ito. 

<3 Ate Mommy Dean

********

C H A P T E R 4 3

Mariposa

Tulala akong nakatitig sa kisame habang pinoproseso ang nangyari kanina. Hindi naman iyon ang unang beses na naglapit kami. Maraming beses na nga kung tutuusin.

Kinagat ko ang aking labi at mariing pinagdikit ang mga hita. Hindi pa man kami umaabot sa puntong iyon, aaminin kong nandoon ang kuryosidad at pagkagusto.

Wala ako sa sariling ngumiti nang maalala kung gaano ang kanyang pagpipigil. Kung papaanong ilang beses na umigting ang panga sa sobrang frustration. Nagnasa na kaya siya sa babae ng ganito? Naiisip ko pa lang ay sobrang nagseselos na ako.

Kumunot ang aking noo nang sumagi sa isipan ko si Vanessa. Kumpara sa ganda ay hindi rin naman ako pahuhuli. Hindi nga lang siguro ako 'yong tipo na palalagay ng make-up sa mukha. Hindi rin ako sexy manamit. Lalong hindi ako kasing liberated.

Oh-kay.

Ako ang total opposite ng babaeng nagugustuhan niya noon. Marahil ay hindi talaga ako puwedeng ikumpara dahil sobrang simple ko.

So, anong nagustuhan sa akin ng kolokoy na 'yon kung ganoon?

Sumimangot ako at inis na tumitig sa kisame.

Kahit wala naman akong dapat na ika-insecure, nakakaramdam ako ngayon dahil sa mga nakaraang chics niya. At ilan na kaya iyon?

Mariin akong pumikit dahil hindi pa man ay kating-kati na akong magtanong. Minahal ba niya ako sa panlabas na anyo or dahil challenge siya sa akin?

Collection kaya?

Kuyom ang palad kong bumangon at wala sa sariling nagmartsa palabas ng kwarto.

Pakiramdam ko ay may kung anong maligno ang sumapi sa akin at kating-kati akong malaman ang sagot sa mga tanong na iyon.

Malakas kong kinatok ang pinto ng kanyang kwarto kasabay nang pagtawag ko sa pangalan niya.

"Hunter! Buksan mo ang pinto! Hunter!"

Matagal-tagal din bago nagbukas iyon. Agad na bumungad ang nagtatakang mukha ni Hunter na para bang hindi makapaniwalang nangangatok pa ako.

"Something wrong, Love?" alanganin pa niyang tanong.

"Bakit mo-" Agad akong natigilan nang huminto ang aking tingin sa kanyang suot.

He was only wearing a boxer shorts! At kulang na lang ay malaglag na iyon sa sobrang baba!

Umawang ang mga labi ko at agad na nag-apuhap ng mga salita. Ano nga bang kailangan ko sa kanya?

Umismid siya at gumuhit ang nakakalokong ngiti sa mga labi. Nakita niya akong tumingin!

"Um... K-kasi..." pagsisimula ko pa nang lutang.

Ano na, Osang?

"Kasi?"

"Nakakailang chics ka na? At tsaka bakit mo ako minahal? Challenged ka lang ba? Ibibilang mo ba ako sa koleksyon mo?" sunod-sunod kong tanong.

Nalaglag ang kanyang panga habang manghang nakatitig sa akin.

Kumalat ang init sa aking mga pisngi nang matanto kung gaano ka walang kwenta ang mga tanong ko.

Iiling-iling siyang namaywang at saglit na nag-isip.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon