Chapter 42

30.5K 1.2K 62
                                    

C H A P T E R 4 2

Hunter Carlson

Sa sobrang dami ng mga tumatakbo sa isip ko, hindi ko na rin malaman kung ano ba ang dapat na paniwalaan.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntonghininga at tumingin sa kawalan. Ilang gabi na rin akong walang matinong tulog dahil sa sobrang pag-iisip. Kung bakit kasi hindi pa makumpleto ang memorya ko? Sana ay hindi na masyadong palaisipan ang nangyayari sa akin ngayon.

Muli akong nagsalin ng alak sa baso at nilagok iyon. Pakiramdam ko ay nagbalik na naman ang dating gawi ko para lang makatulog.

"Tama bang araw-arawin ang pag-inom?"

Agad akong napalingon kay Osang na noo'y nakasuot ng ternong pajama. Wala ako sa sariling napalunok dahil sa likod ng konserbatibong damit na iyon ay ang katawan na hinahanap-hanap ko.

"I thought you're sleeping," binalewala ko ang kanyang tanong at sa halip ay ibinaba na lang sa table ang basong wala na ulit laman.

"Hindi pa ako makatulog."

Huminto siya sa aking gilid at namaywang.

"Ganito rin ba ang trabaho mo noon? Uminom araw-araw?"

Ngumiwi ako at nagkamot ng ulo. Kahit pa may panermon ang himig niya ay may bahagi sa aking natutuwa sa pagpuna niyang iyon. Wala namang nanenermon sa akin noon. Iba pala talaga ang pakiramdam nang biglang may nag-aalala.

"Honestly, yeah," tumatangong pag-amin ko rin naman. "Pero hindi naman marami," sunod na depensa ko pa na nagpataas lang ng kanyang isang kilay.

"I can't sleep. This is all I can do to help me get to sleep."

Kinagat niya ang kanyang labi at tumango-tango.

"Gusto mo bang pag-usapan ang mga naiisip mo?"

Ilang saglit akong nablanko sa suhestiyon niyang iyon. I wasn't telling her that much because I didn't want her to worry.

"My life is a complete mess, Love. I think that telling things to you, would only traumatize you," malungkot ko pang sabi habang nakatitig sa kanyang magandang mukha.

Wala na yata akong ma-appreciate na ibang ganda maliban sa kanya. I got it so bad, huh?

"I didn't want that. I don't want to scare you away," pagpapatuloy ko pa.

Humugot siya ng isang malalim na buntonghininga bago ginagap ang aking kamay na nasa ibabaw ng table at pinisil-pisil iyon.

"Sa tingin mo, ngayon mo pa ako mapapalayo sa 'yo?"

Malungkot akong ngumiti at kinabig ang kanyang baywang para paupuin siya sa aking mga hita. Niyakap ko ang kanyang maliit na baywang at ibinaon ang aking mukha sa kurba ng kanyang leeg. Mariin akong napapikit nang maamoy ang nakakaadik niyang bango.

I am a hopeless case. Marahil kung nandito si Russ ay puro pangungutya ang matatanggap ko sa kanya. Hindi ako nagseryoso sa babae at alam niya lahat ng katarantaduhan ko. Pero dahil kay Osang, naiwala ko ang lahat ng iyon sa isang iglap.

Si Osang na lang ang gusto ko at wala ng iba.

"Why, love? Do you feel the same way about me?" kinakabahang tanong ko.

As much as I wanted to ask her, I always end up keeping it all to myself. Natatakot ako sa magiging sagot niya. Baka hindi na niya gustuhin ang magulong buhay ko.

"Sa tingin mo, bakit ba nandito pa rin ako?" balik-tanong pa niya sabay haplos sa aking panga. "Mahal kita, Hunter, sa kabila man ng pagiging babaero mo noon. Sana lang ay hindi mo na ulitin."

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon