Chapter 41

30.1K 1.1K 138
                                    

C H A P T E R 4 1

Hunter Carlson

It's good to be back.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at pinagmasdan ang pamamasyal ni Osang sa loob ng aking opisina.

Hindi ko naisip na magiging ganoon kadali lang ang lahat kanina. Akala ko'y kakabahan akong makiharap ulit sa mga tao, but surprisingly, I was too confident to even feel a slight nervousness. Pakiramdam ko ay nagbalik ang dating Hunter na matagal na panahong naging pangalawang tahanan ang kompanya.

"High tech na lahat ng mga gamit mo rito. Ultimo pinto ng opisina mo, biometrics na." Marahan siyang naglakad palapit sa akin.

Nakaupo ako sa glass table at naglalakbay sa ibang dimensyon ang utak ko.

"Yeah," tanging naisagot ko.

"Sino lang ang may access sa office mo?" she asked curiously.

"Ako, si Uncle Bien and my secretary."

I didn't know where she was going with this questions.

"Ganito na rin bago ka maaksidente?"

Saglit akong napaisip. "Hmm... Actually, hindi pa. Bago ako maaksidente, tsaka ko na lang napapalitan ang lock ng pinto."

Tumahimik siya na para bang ang lalim nang iniisip.

"May CCTV na rin noon?"

"Mayroon... maliban lang dito sa opisina ko... Wait, Love. Where are you going with your interrogation? Balak mo bang agawan ng trabaho si Russ?" natatawa ko pang tanong.

"Wala naman. Nagtatanong lang." Nagkibit-balikat siya at huminto sa paglalakad ng isang dipa na lang ang layo sa akin. "Naisip ko lang na possibleng hindi ibang tao ang nagset-up ng camera kundi tagarito lang din. Possibleng nabayaran, gan'on."

Tumango ako at iyon din naman ang naiisip namin ni Russ.

"May CCTV ka sa loob at labas ng opisina, 'di ba?"

"Yeah. But sadly, that whole week, hindi gumana ang CCTV. Walang nakapansin."

Kumunot siya na para bang hindi makapaniwala.

"Parang impossible na buong week sira ang CCTV tapos hindi napansin ng security?"

"We were looking into that, too. Don't worry. Lahat nang naiisip mo ngayon, napag-usapan na rin namin ni Russ."

Bumuga siya ng hangin at tila tensyonadong pinaypayan ang sarili.

"Hindi kaya may hidden camera rin dito at pinapanood tayo?" nag-aalala pa siyang luminga-linga.

Nagpakawala ako ng manipis na tawa at marahang lumapit sa kinatatayuan niya.

"Russ checked everything. Wala kang dapat ipag-alala." Pinisil ko ang kanyang pisngi pati na rin ang kanyang balikat. "Ano bang pinag-aalala mo? Makuhanan tayo kapag gumawa tayo ng scandal ngayon?" nakangising biro ko pa at agad namang nanlaki ang kanyang mga mata.

Nagdudumilat na pinagpapalo niya ako sa braso at humahalakhak naman akong umilag-ilag.

"Ang bastos mo talaga!" gigil pa niyang sabi habang patuloy na sinasapak ang aking braso.

Mabilis akong gumalaw at mahigpit na ikinulong ang kanyang katawan kasama ang mga kamay sa aking mga braso.

"Bitiwan mo ako, Hunter! Luko-luko ka talaga!" banta pa niya habang nagdudumilat ang mga mata.

"I was just kidding, Love. Just kidding!"

Matalim siyang umirap sa akin at ilang beses na sinubukang kumawala, pero hindi rin naman niya nagawa.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon