Chapter 46

32.2K 1.1K 50
                                    

C H A P T E R 4 6

Mariposa

Hindi naman kalayuan ang restaurant na pinuntahan namin nina Hunter at Tito Bien. Bilang na bilang man ang mga kumakain, hindi maikakaila ang karangyaan ng lugar.

Sa bungad pa lang ay agad nang may sumalubong at kinamayan ang mag-tiyo. Tila ba inaasahan na talaga ang pagdating namin.

Kinagat ko ang aking labi at pinaglabanan ang sobrang pagka-ilag. Tipong makaluma man ang disenyo ng restaurant ay eleganteng-elegante ang dating niyon sa mga mata. Maging ang mga chandeliers ay nakamamangha ang tila mga diamonds na nakapalibot. Manilaw-nilaw ang kulay ng mga ilaw na tila dumagdag pa sa makalumang dating ng lugar.

Ilang beses ding huminto ang mag-Tiyo sa mga kakilalang negosyanteng bumabati. May kakaibang lengwahe pang binigkas si Hunter, tila ba Korean. Kung sa bagay, ang dami nga pala niyang alam na bigkasin. Bukod sa kagwapuhan, ang pagiging matalino niya ang isa sa aking hinangaan noon.

"I'm glad you're back, Hunter," bati pa ng may katandaang lalaki na halos puti na lahat ng buhok, pero hindi maikakaila ang taglay na kagwapuhan sa kabila man ng edad. "I am so sorry to hear about what happened to you. I hope you're doing well now."

"Yeah. Who would have thought I would survive that, huh?" mapait pang sagot lang ni Hunter sabay sulyap sa akin. "If not for this angel right here..." Inakbayan niya ako at pinisil ang aking balikat. "I don't think I would be able to escape death."

Tumango-tango lang ito sabay pisil sa balikat ni Hunter.

"You're officially back in the game, then?"

"I think I am."

Saglit silang nag-usap patungkol sa isang taong hindi ko nakikilala. Inabala ko ang aking sarili sa pagmamasid sa lugar at sa mga nagsisikain doon.

Ang iba'y pasimpleng nakatunghay sa amin at halatang pinagmamasdan si Hunter. Ang iba naman ay sa akin nakatingin. Tipong kinikilala rin ako.

"Hunter, hijo..." pukaw pa ni Tito Bien dito. "Si Madeline..." bulong pa nito, pero sapat ang lakas niyon para hindi makawala sa pandinig ko.

Dumiretso ng tayo si Hunter at sinundan ang linya ng tingin ni Uncle Bien. Wala ako sa sariling sinundan din ang kanilang tingin at agad kong nakita ang babaeng tila pang modelo ang tangkad. Halos hindi iyon pahuhuli sa height ni Hunter. Nakangiting humakbang ang babae palapit. Napalunok ako nang matanto kung gaano siya kaganda sa personal.

She's the daughter of a famous senator.

Sa pagkakaalam ko ay matagal din siyang naging girlfriend ni Hunter.

"Hey there, lover boy," bungad agad nito.

"Hey there, Madeline," pormal na bati naman niya.

Kusa akong napabitiw nang hawak sa braso niya nang ibuka ng babae ang mga kamay nito para sa inaasahang yakap.

Mabilis na sumulyap sa akin si Hunter at kumunot ang noo. Tila ba hindi inaasahang gagawin ko iyon.

"It's good to see you again," bulong pa ng babae na nakapikit pang yumakap dito.

Ni hindi nito alintana ang presensya ko.

Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang makaramdam ng selos.

She was indeed a goddess.

Madalas ko man siyang makita sa telebisyon ay kakaiba pa rin ang karisma niya sa personal.

Halos perpekto ang hugis puso nitong mukha. Mabilog ang kulay brown nitong mga mata na binagayan ng matangos at maliit na ilong. Nakadepina nang maayos ang cheekbones kung kaya't mas lalong lumiit tingnan ang mukha nito. Ang mga labi man ay manipis at mapula. Mahaba ang kulay blonde nitong buhok na bahagyang kinulot ang dulo.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon