Chapter 26

32.7K 1.2K 42
                                    

C H A P T E R 2 6

Mariposa

Maaga pa lang ay nakagayak na kami at naghihintay sa text ni Carina. Kahit pa medyo kinakabahan ay excited akong makasama si Hunter sa adventure naming ito. Alam kong magugustuhan niya ang nature tripping. Nakikita ko sa Instagram posts niya ang mga pinupuntahan niyang lugar at karamihan sa mga iyon ay umaakyat pa ng bundok.

Nang makatanggap ako ng text mula kay Carina ay dali-dali na kaming naglakad papunta sa highway. Agad naming natanawan ang nakaparadang maliit na truck at sakay noon ang ilang mga katao na natitiyak kong puro kamag-anakan ni Regina.

"There you are," nakangiting bungad pa ni Regina.

She was wearing a bikini top. Beach yata ang punta ng babaeng 'to. Hindi na marunong mahiya.

Agad kong nilingon si Hunter na mabuti na lang ay hindi rito nakatingin.

"Kaunti yata tayo," puna ko pa sabay kaway sa mga kasama.

"Hindi puwede ang matatanda sa akyatan," singit ni Carina na pasimple pang inginunguso ang suot ni Regina.

Gets na gets ko ang ibig niyang sabihin. Kitang-kita ng mga mata ko ang nakabalandrang katawan nito. Obvious naman na gusto niyang i-display iyon sa mga mata ng asawa ko!

"Tara na. Akyat na tayo!" kayag pa ni Regina sabay tingin kay Hunter. "Puwede patulong?"

Sabay kaming napaikot ng mga mata ni Carina. Wala talagang kupas sa kakirihan itong si Regina!

Tipid lang na tumango si Hunter at nagpatiunang umakyat sa truck. Inabot niya ang kamay ni Regina na noo'y hindi maikakailang kinikilig.

"Thanks, Ding..." malambing pang sabi nito na halos magpakulo ng dugo ko.

Kung ilang kaming mga nagsi-ikot ang mga mata ay hindi ko lang alam. Lahat naman ng mga kasama ay kilala ang kalandian na iyon ni Regina.

"Love..." pukaw pa ni Hunter na noo'y nakalahad na pala ang kamay sa akin.

Nakangiti kong inabot ang aking kamay at matamis naman din siyang ngumiti.

Nang tuluyan pa akong makaakyat nang maayos ay ginawaran pa niya ako ng halik sa noo. Dahilan iyon para makakuha ng atensyon at pinagtutukso kaming dalawa.

"Ang gwapo talaga ng asawa mo, Osang, kaya maraming naiinggit!" tukso pa ng kapitbahay ni Carina na hindi rin naman katandaan.

"Ay, talaga naman po!" proud ko pang sabi sabay kapit sa braso ni Hunter na tipid lang din namang ngumiti.

"Dito kayo, o!" kayag pa ni Carina sa tabi niya at dali-dali rin naman akong sumunod.

Pero nang biglang umandar ang truck ay kamuntik na akong mawalan ng balanse. Mabuti na lang at nahawakan ako ni Carina sa kamay!

"Bakit mo kasi iniwan?! Ayun o!" pasimpleng bulong pa ni Carina sabay nguso kay Regina na noo'y nakayakap na kay Hunter!

What the hell?!

"Buti na lang nandiyan ka, kundi nalaglag na ako," malambing pang sabi ni Regina.

Hindi ko naman napigilang paikutin ang mga mata ko. Wow talaga itong babaeng 'to!

Naniningkit ang mga mata kong lumapit sa kinatatayuan nila at pasimpleng tinabig si Regina para mawala sa pagkakahawak kay Hunter.

"Doon ka sa tabi ni Carina, o. Hindi kung saan-saan ka kumakapit," sarkastiko ko pang sabi sabay turo kay Carina na para bang nang-iingganya pang tumabi nga sa kanya.

"Ang luwag dito, Regina o! May hawakan pa!" Nakangisi pa nitong itinuro ang hand railings.

Umirap naman si Regina na parang nakahalata rin.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon