Chapter 48

30.1K 1.2K 43
                                    

C H A P T E R 4 8

Mariposa

May kung ilang araw na nakabibingi ang katahimikan ni Hunter. Madalas ay wala siya sa sarili o kaya'y hindi nagsasalita. Kung anong tanong ko, iyon lang din ang sinasagot niya.

Sa safehouse naman ay palagi siyang abala sa pakikipag-usap sa cell phone. Hindi naman niya ikinukuwento kung anong nangyayari lalo pa nga't mas madalas, patago ang pakikipag-usap niya.

Madalas ding dumalaw si Russ, pero palagi silang nag-uusap nang nakadistansya sa lahat. Tipong sinasadyang hindi iparinig sa akin.

Nasa kalagitnaan ako nang pagtatrabaho noon nang makarinig ng komosyon sa labas. Dali-dali akong sumilip sa pintuan at pasimpleng nag-usyoso.

May ilang empleyadong nakatambay sa labas at nagtsi-tsismisan.

Pinahaba ko ang aking leeg at pilit na tinanaw ang dumating. At gayon na lang ang pagkamangha ko nang makita si Madeline kasama ang ama nitong senador.

May ilang empleyadong umirap sa akin at pasikretong nagtawanan. At kahit pa hindi ko naririnig ang pag-uusap nila ay para bang nahuhulaan ko na kung ano.

"Talagang mas bagay si Ms. Madeline kay Boss Hunter. Anak mayaman 'yan, e!" sabi pa ng kasamahan ko sa trabaho sa pabulong na paraan, pero sapat na iparinig sa akin.

Pumasok sina Hunter at Uncle Bien sa conference room kasunod ang mag-amang Madeline at Senator Gatchalian. Nang sumarado ang pinto noon ay mabilis din akong bumalik sa aking table at nagpamukhang abala sa trabaho.

"Nakita mo na ang ex ni Boss Hunter?"

Pinigilan kong umirap sa kawalan at kaswal na nag-angat ng mukha.

Nakangising nakatitig sa akin si Ma'am Editha, head ng Accounting and Finance. Kung bakit nandito siya ngayon sa department namin ay hindi ko alam.

"Yes," matipid kong sagot at muling itinuon ang atensyon sa mga papel na nasa aking harapan.

"Ang ganda niya, 'no? Artistahin!" bulalas pa nito.

Pinigilan kong paikutin ang aking mga mata. Nakikita ng mga mata ko ang nakikita niya. Hindi ako bulag para hindi makita ang malaking difference namin ng ex ni Hunter.

Pero sa halip na magkomento ay tipid lang akong ngumiti at muling inabala ang sarili.

"Balita ko, pag-uusapan na nila ang kasal kaya nandito ang mag-amang 'yan."

Pagkarinig pa lang sa sinabi niyang iyon ay kumirot nang kuntodo ang puso ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan iyon o papaano.

"Kawawa ka naman, Osang. Maloko talaga sa babae ang Boss nating iyan. Noon pa man wala namang sineryosong babae 'yan. Though, iyang si Madeline ang matagal-tagal na naging girlfriend."

Kinuyom ko ang aking palad sa ilalim ng mesa at pinigilan ang luhang nagbabadyang mag-unahan sa pagpatak sa aking mga mata.

"If I were you, 'wag mo seryosohin. Okay na 'yang nabigyan ka naman ng magandang trabaho. Utak mo na lang ang gamitin mo. Practical na lang tayo, 'di ba? Magandang kompanya ang SVGC."

Kinagat ko ang aking labi at pinigilang magkomento.

Hindi naman na nagsalita si Ma'am Editha at sa halip ay tahimik na lumabas ng opisina.

"Okay ka lang, Osang?" tanong ng kaopisina kong si Dette.

Tumango ako at mapait na ngumiti.

"'Wag mo pansinin si Ma'am Editha. May crush kasi iyan kay Boss Hunter kaya ganyan."

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon