Epilogue

48K 1.4K 123
                                    

Thank you for reading my story. Though, para bang bitin pa kayo sa nakaraang revelations dahil may ibang nag-e-expect na mahaba pa! Hahaha! Anyway, gusto ko rin samantalahin ang pagkakataong magpaalam muna. Hindi ko alam kung kailan ako makakapagsulat ng bago. Bahala na si Lord. Kung ito man ang magiging huli, salamat at naging bahagi kayo sa kahit na papaano ay matagumpay na journey ko sa larangan ng panulat. Susubukan kong mag-edit ng mga old stories ko at baka nga sakaling sa ganoong paraan, magbalik ulit ang passion ko. Muli, thank you so much. 

<3 Ate Mommy Dean

********


EPILOGUE


Hunter Carlson

I was looking intently at my reflection on the mirror. After all these years, I never thought that I would really settle down with one woman I'll ever love all my life. The only woman who changed my perspective in life. Not everything was all about money.

It was a tiring day, but my heart was so full of love and energy.

"Love..."

I slowly smiled upon hearing that sweet voice.

Marahan kong inilayo ang tingin sa salamin at hinarap ang pinakamamahal kong babae.

"Nakauwi na sila Russ," aniya habang iika-ikang naglalakad palapit sa akin.

She must really be tired. No matter how sexy she looked with those stilettos, I wouldn't want her hurting like that.

"Sit down, Love," malambing na utos ko habang inaalalayan siyang maupo sa bed.

Nakangiwi siyang umupo at inginuso ang kanyang mga paa.

"Kahit pa sobrang komportable ng shoes, nakakapagod pa ring isuot nang matagalan," daing pa niya.

Lumuhod ako sa kanyang harapan at ako na mismo ang kusang nag-alis noon sa mga paa niya.

"Thank you, Love. Bine-baby mo naman ako," kinikilig pang aniya na bahagyang nagpahalakhak sa akin.

"Sabi mo nga, Baby kita, 'di ba?"

"Ay naman!" mabilis din namang sang-ayon niya.

Nang maalis ko ang sapatos sa kanyang mga paa ay agad ko ring minasahe iyon. She sighed deeply. I knew that she enjoyed being pampered like this. I am more than willing to give it to her if she asked me to.

"Nakakapagod din palang magpakasal, Love..."

I chuckled. "Yeah. But I love every part of it because of you."

Ngumuso siya at nangingiting tumango-tango.

"Ayan ka na naman sa pagpapakilig mo! Hindi ka yata nauubusan lately, a."

Tumango ako at minasahe naman ang kabila niyang paa.

"Araw-araw kitang pakikiligin, Love."

"Hindi ka magsasawa?"

"Yes," tumatangong sagot ko pa. "Not ever."

Bahagya siyang yumuko at hinila ang kuwelyo ng aking tux dahilan para bahagya akong mapatayo at mapasunod sa kanya. Kinabig niya ang aking batok at masuyong hinalikan ang aking mga labi.

I smiled.

Kailan pa nga ba ako nakuntento sa simpleng halik?

Ngayon lang.

Kay Osang lang.

"Are you sure, you're feeling okay, Love?" Hinaplos niya ang aking pisngi at tanging marahang tango ang isinagot ko.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon