Chapter 50

34.4K 1.3K 53
                                    

C H A P T E R 5 0

Mariposa

Nakabibingi ang katahimikan habang tensyonado kaming naghihintay sa pagdating nina Uncle Bien at Senator Gatchalian.

Panay din ang lingon ni Mayor Osmundo Guiban kay Hunter na noo'y seryosong nakatingin sa kawalan.

Ito ang unang pagkakataong na-meet niya ang Mayor na walang kaalam-alam sa mga nangyari. At lalong wala siyang alam sa meeting noong panahong kinailangang pumunta ni Hunter sa Bulacan.

Hindi rin nagtagal ay dumating si Atty. Monteguado na matagal na panahon ding nagtago. Tulad ni Hunter ay may nagtangka ring manakit dito. Tinangka ring nakawin ang mga dokumento na may kinalaman kay Hunter. Marahil kung hindi dahil sa kahusayan nito sa mix martial arts ay napatay din ito.

Mabilis na nakipagkamay si Atty. Monteguado kay Hunter na agad din namang ipinakilala si Mayor Osmundo.

"I heard what happened to you," malungkot na bungad pa ni Attorney.

Mapait na ngiti ang ibinalik ni Hunter.

"Likewise with you, Attorney."

"Yeah, hell, who would have thought, huh?"

Saglit na sinamantala nila ang pagkakataong mapag-usapan ang mga dokumentong hawak nito.

Pero hindi pa man sila nagtatagal sa pag-uusap ay agad na rin silang naalarma sa pagdating ng inaasahang mga bisita.

Makahulugang nagpalitan ng tingin sina Hunter at Russ bago alertong nagsenyasan pati na rin ang ilang security na nasa loob.

Nang magbukas ang pinto ng opisina ay bumungad ang nagtatawanang sina Uncle Bien at Senator Gatchalian. Pero agad ding napawi ang mga ngiti nito nang makita kung sino-sino ang mga nasa loob. Nakasunod ding pumasok si Madeline na noo'y magandang-maganda sa suot nitong dress. Malawak pa ang ngiti nito noong una, pero nang mahagip din ako ng kanyang mga mata ay agad na napawi iyon.

"Hunter, hijo... What's our agenda? I think I wasn't properly i-informed." Si Uncle Bien na halatang bahagyang natensyon lalo pa nang makita sina Mayor Osmundo at Atty. Monteguado.

"You might want to take a seat," pormal na sumenyas si Hunter. Halata ang pagpipigil sa kanyang mukha.

"Attorney... What happened to you? We've been looking all over for you-" Baling pa ni Uncle Bien kay Attorney na agad din namang tumayo para kamayan ito.

"Oh, sir, it's a long story." Mapakla pa itong ngumiti sabay makahulugang sumulyap kay Hunter na nananataling sobrang seryoso ng mukha.

Diretso itong nakasandal sa swivel at naka-de cuatro. Saglit siyang nag-angat ng tingin sa akin at agad na ginagap ang aking kamay.

Tipid akong ngumiti at pinisil ang nanlalamig niyang palad.

Hindi nakaligtas sa akin ang pag-angat ng kilay ni Madeline.

The boy is mine, bitch.

"Mayor Osmundo... It's an honor to see you again," si Uncle Bien na kinamayan din naman si Mayor na nakangiting tumango-tango lang. "I didn't know that you'll visit here. I could have prepared something special for your wife."

Tipid lamang itong ngumiti at umiling-iling. Kahit pa wala itong sinasabi, alam kong disappointed ito dahil sa pagkakadamay ng pangalan sa issue.

"Biglaan din, Bien. Hindi ko inaasahan," simpleng sagot nito.

"Ganoon ba?" Kunwa'y bumaling pa ito kay Senator Gatchalian na bakas din ang tensyon sa mukha. "Senator, I would like to introduce the great Mayor of DRT, Bulacan, Osmundo Giuban."

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon