Chapter 38

30.1K 1.1K 46
                                    


C H A P T E R 3 8

Mariposa

Hindi naging madali ang mga sumunod na araw sa amin ni Hunter.  Wala man akong gaanong ginagawa, pakiramdam ko ay pagod na pagod naman ang utak ko sa kakaisip kung saan pa puwedeng nagpunta si Kuya. Pero kahit pa anong isip ko, wala akong kongkretong sagot. At iyon ang lalong nagpapahirap sa kalooban ko.

"Kailangan naming bumalik sa cemetery kung saan inilibing ang bangkay na inakalang ako. Pinahukay iyon ni Russ. May gusto lang din daw siyang masiguro pa."

"Gusto kong sumama!" walang pagdadalawang-isip kong boluntaryo. 

Alam kong hindi iyon ang kapatid ko, pero may parte sa aking gusto ring makasiguro. 

"Love, I don't think-"

"Sasama ako, Hunter."

Ilang sandali rin siyang natahimik. Tila ba naninimbang sa kung anong dapat na gawin sa pagkakataong iyon. 

"Wala rin naman akong ginagawa rito. Mababaliw ako kapag nanatili pa ako nang matagal dito. Gusto kong makita ang bangkay ng lalaking nasunog noon sa kotse. Patutunayan ko sa'yo na hindi iyon ang kapatid ko."

"I didn't say it was your brother, Love... I just-"

"Alam ko. Basta't gusto ko lang sumama."

Humugot siya ng isang malalim na buntonghininga bago marahang tumango-tango.

"All right. Sasabihan ko si Russ."

"Kinuhanan niya ako ng blood sample para ikumpara sa DNA ng namatay. May balita na ba roon?"

Umiling siya.

"Ngayon din natin malalaman sa kanya."

Tumango ako at wala sa sariling hinaplos ang tapat ng dibdib. Sobrang lakas ng kalabog noon. Pakiramdam ko ay sasabog iyon.

Naniniwala akong hindi iyon ang aking kapatid. Kailangan kong maniwala.

Mabilis kaming bumiyahe papunta sa sementeryong sinasabi nito. Malayo-layo iyon sa safe house at halos inabot din ng dalawang oras ang byahe.

May mga security nang nauna sa lugar kung saan inilibing ang sunog na bangkay. Ilang sasakyan din ang nakabuntot sa amin para lang masiguro ang aming kaligtasan.

Kuntodo tawag din si Russ para lang masigurong walang aberya sa daan. Napakasuwerte ni Hunter at may kaibigan siyang ganoon. Hindi man siya perpektong tao, nagkaroon siya ng totoong kaibigan na hindi siya iniwan.

Hindi man magsalita ay ramdam ko ang tensyon ni Hunter. Para ring lumilipad ang utak niya sa ibang dimensyon.

"Okay ka lang?" hindi ko na rin napigilang itanong.

Sunod-sunod siyang tumango kasunod ang mapaklang ngiti.

"I am just worried and scared..."

"Huh?" Kumunot ako at mataman siyang tinitigan.

"I am worried about you," mapait pa niyang sabi. "And... I'm scared that after all that happened, you will still chose to hate me. I don't think I could take that."

Tumahimik ako at hindi muna kumibo. Sa totoo lang, ako man ay hindi ko alam ang aking mararamdaman. Kung mayroon man akong sigurado sa mangyayari, I just couldn't hate him.

Kinabig niya ako palapit at masuyong niyakap. Hinalikan din niya ang aking sentido at bumulong.

"Always remember that I love you... even if you hated me, I will love you no matter what."

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon