Chapter 35

30.8K 1.3K 131
                                    

C H A P T E R 3 5

Mariposa

May mga boses akong naririnig mula sa labas, pero hindi na ako nagtangkang sumilip ni isang beses. Alam kong hindi umalis si Hunter. Naririnig ko pa rin ang boses niya at nasisiguro ko iyon.

Bahagyang kumalma ang aking pakiramdam, pero hindi nawawala ang bigat sa aking dibdib. Ayaw ko mang maniwala kay Hunter pero may parte sa aking natatakot sa totoong nangyari.

What if nagsasabi siya ng totoo? Possible bang patay na ang Kuya ko? Pero paano?

Nasaan na ba kasi siya?

Bumuhos ang aking luha nang hindi ko namamalayan.

Kaya ba hindi ko na siya nakikita ay dahil talagang nawala na siya?

Iniwan na ba talaga ako ni Kuya?

Pero hindi. Impossible!

Inangat ko ang aking paningin sa frame na naka-display hindi kalayuan. Medyo bata pa kami ni Kuya sa litratong iyon. Pero sa murang edad niyang iyon, nagawa niya kaming buhayin na dalawa. Si Kuya ang tumayong magulang sa akin. Ni hindi niya nagawang makipag-barkada kahit na kanino dahil mas itinuon niya ang kanyang buong lakas at pagod para sa ikabubuhay naming dalawa. Ni minsan hindi siya nagreklamong pagod.

Walang ibang hinangad si Kuya kundi ang makabubuti para sa akin.

Kahit pa ang obsession ko noon kay Hunter, sinakyan niya. Siya pa mismo ang bumibili ng magazines para sa akin.

Ang supportive at mabait kong Kuya...

"Ano bang gusto mong regalo sa birthday mo?" nakangiti pa niyang tanong.

Ngumuso ako at saglit na nag-isip. Kahit pa alam kong hindi naman kailangan, alam kong wala rin akong magagawa. Hinding-hindi ako mananalo kapag ginusto niya.

"Regaluhan mo ako ng necklace, Kuya. Gusto ko heart-shaped ang pendant tapos may initials natin sa magkabilang side!" excited ko pang sabi sabay pumalakpak nang mahina.

"Necklace talaga? Medyo abuso ka naman yata, Osang!" reklamo pa niya.

"Aish, Kuya! Silver lang naman. Wala naman tayong pambili ng gold!"

Natatawang umiling-iling lang siya habang tila malalim na nag-iisip.

"Wala na bang iba? Parang papahirapan mo naman ako. Saan may nagtitinda ng ganoon?"

"Pagluwas mo Manila, Kuya. Mayroon noon sa malalaking mall!"

"Okay, sige. Ayaw mo bang initials ni Hunter ang ilagay ko sa kabila ng puso?" nanunuksong aniya.

Ngumuso ako at natatawang umirap.

"Sa ibang panahon na, Kuya. And besides, dapat si Hunter mismo ang magbigay noon sa akin at hindi ikaw!"

Humalakhak lang naman siya at umiling-iling.

"Ilusyonada ka talaga. Sa tingin mo, kailan pa mangyayari ang pangarap mong iyan? Kailanman ay hindi na tutungtong sa lupa ang nakatuntong na sa ginto."

"Sus, Kuya. Malay mo naman, 'no? And besides, ayos na sa akin na makilala ko man lang siya sa personal. Hindi na kailangang magkaroon kami ng lovelife!"

"Talaga lang, huh?"

"Oo naman!"

Wala ako sa sariling ngumiti kasabay ng luha.

Ang Kuya ko...

Ang Kuya ko...

Pero agad din akong napaigtad nang makarinig ng putok!

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon