Chapter 7

33.4K 1.1K 72
                                    

C H A P T E R 7

Mariposa

Nakasilip ako sa bintana habang pasikretong pinapanood si Hunter na hirap na hirap sa paglalaba. Hindi ko mapigilan ang mangiti dahil ibang Hunter ang nasasaksihan ko ngayon.

Iyan ang bagay sa hambog na kagaya niya! Makaalala man siya at lahat, hindi naman siguro niya kami gagawan ng masama ni Kuya. Sa ngayon, i-enjoy ko ang panahong makaganti man lang sa kasamaan ng ugali niya!

Halos dalawang oras din ang ginugol niya sa paglalaba. Saglit akong nakatulog dahil sa paghihintay, pero nang magising ako ay saktong tapos na siya. Pagpasok pa lang niya sa aming munting sala ay bakas na ang pagod sa kanyang mukha.

"Are you done, Porky Beans?" malambing ko pang tanong at tumatango naman siyang sumagot.

Nang makita kong naglandas ang ilang butil ng pawis sa kanyang mukha ay agad kong kinuha ang bimpo na nakasampay sa may bintana at mabilis na lumapit sa kanya.

"Pawis na pawis ka. Wawa naman, my Love," malambing ko pa ring sabi sabay punas ng pawis sa kanyang mukha.

Awang ang mga labing tumitig siya sa akin na para bang nagulat na ginawa ko iyon.

"You looked surprised?" puna ko pa at bahagyang ngumuso.

Umiling lang naman siya habang matamang nakatitig sa aking mukha. Sobrang lapit niya na ultimo pores niya sa mukha ay kitang-kita ko. No, actually, mukhang wala siyang pores. Sobrang kinis niya at mamula-mula ang mga pisngi. Perpekto ang hugis ng kanyang panga at mula roon ay naglalakbay ang mumunting buhok patungo sa kanyang mapupulang mga labi. Pinunasan ko ang pawis sa kanyang ilong at noon ko lang napagtanto kung gaano rin ka perpekto ang tangos noon. Nang idako ko ang aking paningin sa kanyang mga mata ay saglit akong natigilan. Those are the eyes I admire the most. Brown eyes...

"Do you appreciate what you're looking?" Umismid siya at kung hindi ako nagkakamali ay tinapunan niya ng tingin ang aking mga labi.

Wala ako sa sariling itinikom iyon at nagpamukhang kaswal.

"Of course. Ang gwapo kaya ng asawa ko," nakangiti ko pang sabi. At base sa hitsura niya ay parang hindi siya ganoon ka kumbinsido. Maraming tanong sa kanyang mga mata, pero binalewala ko iyon at mabilis na dumistansya. Siguro ay dapat kong bantayan ang sarili ko. Nagpapaka-fangirl na naman ako sa kuyumad na 'to! Bakit kasi ang gwapo! "Nakabubuwisit!"

"What are you saying?" Kumunot siya na para pa ring nagtatanong ang mga mata.

Saglit akong naghagilap ng mga salita. Hindi ko akalaing nasabi ko pala iyon nang malakas!

Hay naku, Osang!

"Nabubuwisit ako kasi ang sama talaga ng pakiramdam ko. Hindi tuloy kita matulungan," nakasimangot ko pang katwiran at base pa rin sa reaksyon niya ay parang pinag-aaralan pa rin ang mga sagot ko.

May naaalala na kaya siya?

Pero bandang huli ay nag-iwas lang siya ng tingin at piniga ang pagitan ng kanyang kilay.

"Okay ka lang? May masakit ba sa'yo?" Pinilit kong ipahalata ang pag-aalala.

Umiling-iling lang naman siya kasabay nang paghugot niya ng isang malalim na buntong-hininga.

"Alam kong pagod ka na, pero wala pa tayong kakainin, Honey," malambing ko ulit na sabi na nag-paangat ng kanyang tingin sa akin. "Kailangan mo na magluto kasi nagugutom na rin ako. Sobrang sakit ng ulo ko." Umarte akong parang nananakit talaga nang husto ang ulo.

Lihim akong napangiti nang makatalikod at dumiretso ulit sa kawayang sofa para mahiga.

Kunot ang noo na sinundan lang niya ako ng tingin at parang nalilito ang ekspresyon ng kanyang mukha.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERWhere stories live. Discover now