Chapter 37

30.2K 1.1K 30
                                    

C H A P T E R 3 7

Hunter Carlson

Hindi naging madali ang mga sumunod na araw para kay Osang. Kahit na hindi man niya sabihin, alam kong apektadong-apektado pa rin siya sa nalaman niya tungkol sa kanyang kapatid.

Her sadness always made me feel so guilty.

Hindi ko man ginusto na maging parte ang Kuya niya sa gulo ng buhay ko, nandoon pa rin ang guilt. Pakiramdam ko ay ako pa rin ang naging rason kung bakit nasasaktan siya nang husto ngayon. 

If only I could change my memory...

"Hey..."

Agad akong nagbalik sa wisyo nang marinig ang boses na iyon ni Russ.

"Bro," bati ko rin naman bago saglit na iligpit ang mga papel sa aking table.

"Sigurado ka na bang magpapakita ka na?" Saglit pa niyang hinapyawan ng tingin ang mga papel na nakakalat.

Mga dokumento iyon sa opisina. Gusto ko lang din malaman ang mga nangyayari sa loob bago pa man ako magpakita sa media.

"I have to. Habang hindi pa nakukuha ni Don Facundo ang posisyon ko sa kompanya."

Inayos ko ang mga papel at pinagpatong-patong iyon.

"What does your Uncle have to say about it?"

Saglit akong nag-isip. Sa telephone ko pa lang naman nakakausap si Uncle Bien kaya't hindi ko masabi.

"He sounded excited."

"Excited?"

"Something like that. Gusto na raw niyang mawala si Don Facundo sa SVGC after what he did to me..."

Tumango lang naman siya at wala nang sinabi. Para bang may iba pa siyang iniisip, pero mas pinili niyang huwag na lang sabihin.

"What were you thinking?" Kumunot ako at mataman siyang tinitigan.

Umiling lang naman siya at mapait na ngumiti.

"I think you have too much on your plate right now, Bro. Maybe we can talk some other time."

"Tell me now, Bro," demand ko pa. "Mas hindi ako matatahimik kung hindi ko malalaman ang iniisip mo."

Mataman lang siyang tumitig sa akin na para bang pinag-aaralan ang magiging reaksyon ko. Bandang huli ay tumango-tango lang siya at bumuga ng hangin.

"Wala bang nasabi sa 'yo ang parents mo noon before they had an accident?"

Saglit akong nag-isip bago marahang umiling.

"I didn't have much memory of my parents. Alam mo naman, masyado pa akong bata noong mawala sila. Si Uncle Bien na nga ang nag-alaga sa akin, di ba? Why? Why are you asking me this now?"

Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga at nag-aalangang tumingin sa akin.

"Si Uncle Bien? Wala bang sinasabi sa 'yo?"

"Spill it out, Bro. Bakit ba ganyan ang mga tanong mo? Ano bang nalaman mo?"

Ilang saglit din siyang natigilan bago malungkot na nagsalita.

"You are just adopted by your parents."

My jaw dropped. Now, that's too much on my plate.

Kahit yata pag-iisip ay saglit kong nakalimutan dahil doon.

"I am not a San V-victores?" Kumunot ako at mataman siyang tinitigan.

Was this some kind of joke?

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon