Chapter 40

32.6K 1.2K 46
                                    

C H A P T E R 4 0

Hunter Carlson

I woke up feeling a little light-headed. I didn't get that enough sleep that I needed last night. I just couldn't help it. A lot of things had been going through my mind, it's almost chaos. I am a bit nervous about what's going to happen today.

I cleaned up nicely and left a day old scruff on my face. Wear a corporate suit and tie that I am so comfortably wearing for the longest time I could remember, but now I felt suffocated in it, like I wasn't born in privilege.

I took a deep sighed and tried to calm my nerves.

Kailan pa ba nga ba ang huling beses na kinabahan ako nang ganito?

I was always calmed and composed. Wala ni isang beses kong natandaan na kinabahan ako para sa kahit na ano pagdating sa negosyo.

Kay Osang nga lang yata ako kinabahan. Pero ibang bagay naman iyon.

Mariin akong pumikit at humugot ng isang malalim na buntong-hininga.

Kaya ko 'to. Kaya ko 'to.

Matapos makapagbihis ay noon na lang ako lumabas ng kwarto. Kakatok na lang sana ako sa kwarto ni Osang nang magbukas iyon at iniluwa ang pinakamagandang babaeng nakita ng mga mata ko.

Now that I think of it... Maybe, it was fate that led me to her.

Sa nilaki-laki ba naman ng Bulacan, sa kanya pa talaga ako napadpad?

"Good morning."

"Good morning..." nahihiyang bati rin naman niya habang iwas ang mga tingin.

She was wearing a gray corporate suit with matching heels. Her hair was in a bun revealing those velvety like neck- that I so loved to smooch and a hint of her cleavage, that was really tempting into the eyes.

"That looks good on you," puri ko pa sabay kagat sa aking labi.

Nakangiti naman siyang umirap sabay ngumuso.

"Sus. Matagal ko nang alam 'yon!"

Humalakhak ako at walang pag-aalinlangang ikinulong siya sa aking mga braso.

"I should have looked at you more closely that day," bulong ko pa dahilan para bahagya naman siyang matawa.

"Ang suplado mo kasi!" Manipis niya akong kinurot sa tagiliran at agad naman akong napaigtad sa gulat.

Iiling-iling akong humiwalay sa kanya at walang sabi-sabing hinalikan siya nang mariin sa mga labi. Lumikha pa iyon ng tunog na nagpatawa sa aming dalawa. Hindi ko maalalang may hinalikan ako ng ganoon sa mga naging babae ko.

"Honestly, I am so nervous right now. I wanted to be oblivious about it, but I guess it shows."

"Hmm..." Mataman siyang tumitig sa aking mukha at noon ko natantong siya man ay inaatake ng nerbiyos. "Kailan ka pa naging nerbiyoso?"

Nagkibit-balikat lang ako at muli siyang kinudlitan ng halik sa mga labi.

"Just don't leave my side. I will be okay," mahigpit na pakiusap ko pa habang magkadikit ang aming mga noo.

Tumango siya at saglit na humiwalay sabay banayad na tinapik ang aking dibdib.

"Just be the confident Hunter I've known before."

"The monster one?" Nagtaas ako ng kilay at mapaglarong ngumiti.

I'll always be a monster for her. I just knew that.

"Kung puwede. Sa ganoon ka kilala ng marami. Maybe, iyon din ang paraan para ma-intimidate pa rin sa 'yo ang mga kalaban mo, 'di ba?"

Humugot muna ako ng isang malalim na buntonghininga bago tumango. She knew exactly what to say. Kung bakit hulog na hulog ako sa babaeng ito ay parang alam ko na rin ang sagot.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon