Chapter 13

30.8K 1.1K 32
                                    

C H A P T E R 1 3

Mariposa

Ano bang problema ng malanding Regina na 'yon sa akin? Akala mo kagandahan, e, malaki lang naman ang suso!

"Are you okay?"

Mabilis na bumalik ako sa wisyo at muling nilingon si Hunter na kunot-noong nakatingin sa akin.

"Oo naman. May naisip lang ako." Tipid akong ngumiti at humugot ng isang malalim na buntong-hininga.

Hindi naman na siya kumibo sa sinagot kong iyon. Siya man ay tila ba malalim ang iniisip kagaya ko. Kung makaalala man siya ay tila wala na rin naman na akong magagawa. 'Wag lang sana dahil sa kung anumang sinabi ni Regina.

Nang makakita ako ng tricycle ay dali-dali ko iyong pinara. Masyadong malayo ang lakarin sa hi-way. Tutal gabi naman, wala naman na sigurong makakakilala kay Hunter.

Pumasok ako sa loob ng tricycle at agad naman ding nakasunod si Hunter.

"Sa labas na lang kaya ako?" Alanganin pa siyang ngumiti lalo pa nga't halos mauntog na siya sa bubong ng tricycle.

Umiling ako at ipinulupot ang aking mga kamay sa kanyang braso. "Dito ka na lang."

Tumango lang naman siya at hindi na nangulit. Mas mainam nang sigurado. Mas hindi siya pansin kapag nasa loob ng tricycle.

"Anong napagkuwentuhan ninyo ni Regina?" Hindi ko na rin napigilan ang mag-usisa.

Kailangan ko pa ring mapaghandaan ang mga bagay bagay kung sakali.

Saglit siyang nag-isip at tumingin sa kawalan. Bandang huli ay umangat lang ang kanyang mga labi at umiling-iling.

"Hindi naman ka-importantehan. Kung anu-ano lang." Nilingon niya ako at ganoon na lang ang gulat ko nang mapagtantong sobrang lapit namin sa isa't-isa.

Umawang ang mga labi ko at napatitig sa kanyang mga labi. Pero agad din akong nag-iwas ng tingin at pilit na kinalma ang nagwawala kong puso.

Oh no, Osang. Hindi ka puwedeng ma-in love sa monster na iyan.

"Manliligaw mo nga 'yong Tristan?" kuryosong tanong pa niya at hindi ko alam kung bakit bigla akong napaubo sa tanong na iyon.

"Are you okay?" nag-aalala pa niyang tanong habang titig na titig sa aking mukha.

Tumango ako at pilit na inalis ang pagbabara sa aking lalamunan.

"Parang ganoon na nga..." pag-amin ko rin naman.

Mabuting tao si Tristan. Matagal ko itong naging kaklase noong high school. Malapit din siya sa Kuya Regie ko, kaya't hindi ko naman mapabulaanan ang sinabi ni Regina na boto ang kapatid ko roon. Pero wala akong espesyal na naramdaman para sa kanya.

Noon pa man ay wala akong naging crush kundi si Hunter.

"Then what happened?"

Saglit akong napaisip bago sumagot.

"Parang kapatid lang talaga ang turing ko roon. Close kasi kay Kuya iyon."

Hindi naman na siya kumibo. Sa halip ay humugot lang siya ng isang malalim na buntong-hininga.

"What about Regina? Are you friends with her?"

"Regina?" Umirap ako sa kawalan. "I am not actually friends with her. Matagal na kakilala. Pero friends? Hindi."

"Why not?" nakangising tanong pa niya na para bang may nababasang kung ano sa ekspresyon ko.

"Malandi kasi. Ayoko sa mga babaeng malandi," diretsa ko pang sagot dahil iyon naman ang totoo.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon