Chapter 45

33K 1.2K 20
                                    

C H A P T E R 4 5

Hunter Carlson

Naging matahimik ang mga sumunod na araw sa opisina. Everything went back to normal. Well, except sa media... I think they'll have a feast for a while. Curious pa rin sila sa mga importanteng detalye na mas pinili kong itago. Hindi pa rin bumabalik si Don Facundo para makipag-usap. Ang balita'y nasa ibang bansa at nagtatago. Maging si Vanessa ay hindi na rin nagparamdam. Kung magkasama sila ay hindi ko lang alam.

Nasa kalagitnaan ako nang pagtatrabaho noon nang makaramdam ng gutom. Tatawagan ko na lang sana ang sekretarya ko nang maunang tumunog ang telepono.

Dinampot ko iyon at wala sa sariling ngumiti nang si Osang ang bumungad doon.

Hello, Love...

"Hey, Love. I was about to call you. I'm starving."

Naramdaman ko nga. Can I come in?

"Are you seriously asking me that?"

Naniniguro lang.

"Hindi mo na kailangang magpaalam pa sa akin. Come in."

All right. Saglit lang.

Ibinaba niya ang telepono at agad ko namang pinindot ang button para sa pinto para magbukas iyon.

Nakangiting bumungad si Osang na noo'y itinaas pa ang bitbit na supot ng pagkain.

"You came prepared, huh?" nakangiting bungad ko pa sabay senyas na mas lumapit.

"Bumili ako sa baba kanina. Nagugutom na rin ako kaya naisipan kong tanungin ka. Hindi ka ba busy?"

Bahagya akong umiling at nang tuluyan siyang makalapit ay itinulak ko palayo ang swivel chair sa table at tinapik ang hita ko. Agad naman niyang nakuha ang ibig kong mangyari kaya't umikot siya sa table at walang pag-aalangang naupo sa aking mga hita.

Kinabig ko ang kanyang batok at masuyong hinalikan ang kanyang mga labi.

"Bakit ba kasi ayaw mong maging personal secretary ko?" Kinagat ko ang aking labi at natatawang kinudlitan ng halik ang kanyang makinis na leeg.

"Sa tingin mo magiging propesyonal ang trato mo sa akin? Baka ireklamo ka ng board."

Humalakhak ako at umiling-iling. I didn't care about their opinion of me since I knew when and how to act decently in front of everybody. Though, yeah, I am trying. There were times that I just wanted to hug and kiss her senseless even with a fvcking audience.

"I am a professional," nagmamalaking sagot ko.

She dramatically rolled her eyes.

"Nang lagay na 'to?" taas-kilay pa niyang inginuso ang posisyon naming dalawa.

"Wala namang ibang tao rito, Love. Bawal sila sa loob kapag nandito ka."

"Whatever, Love. Basta ayokong maging secretary mo. At 'di dapat girlfriend ang turing mo sa akin kapag nandito tayo sa building mo."

"Except here in my office," mabilis na hirit ko pa.

"All right," napipilitan pang aniya sabay ikot sa kanyang mga mata. "Except here."

"Good." Tumango ako at muli siyang kinabig para halikan.

I think I am addicted to her kisses. Ito lang yata ang isang bagay na hindi ko kailanman pagsasawaan. And yeah, of course, making love to her was my favorite.

Ilang araw na nga ba ang nakalipas since our first night?

"Are you still sore?" bulong ko pa matapos ang mahaba at mainit na halikang naganap sa aming dalawa.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon