Chapter 22

31.4K 1.1K 45
                                    

C H A P T E R 2 2

Hunter Carlson

I am jealous.

Sa ngayon, iyon lang ang siguradong nararamdaman ko. I wonder if I even felt jealousy before. Sabi ni Russ ay wala akong sineryosong babae. Somehow it felt true. At kahit na hindi pa ako nakakaalala, bago ang lahat ng ito sa akin.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at hinintay ang paglabas ni Osang sa banyo. The image of her naked body was lingering in my mind.

I never had sex for quite a while now. Alam kong nitong nakakaraan, iyon ang isang bagay na hinahanap-hanap ng katawan ko.

Bumuga ako ng hangin at iiling-iling na sumandal sa sofa. I didn't think it was even the right time to think about it.

She's not my wife to begin with.

Probinsyana siya at nakalalamang na conservative.

Or should I give it a try?

Naputol lang ang aking pag-iisip nang biglang may kumatok sa pinto. Agad akong napalingon at ganoon na lang ang pagkamangha ko nang makita si Regina kasama ang isa pang babae na natitiyak kong nakita ko sa birthday noong nakaraan.

"Good evening, Ding," nakangiting bungad pa nito.

"Hey..." Mabilis akong tumango at hinarap ang mga ito. "Gabi na, a." Wala pa ako sa sariling lumingon sa labas bago ibalik ang tingin sa kanila. "What are you guys doing here?"

"Wala naman, Ding. Napadaan lang kami ni Carina," si Regina.

"Ang layo naman nang dinaanan natin kung ganoon," halos pabulong na singit pa n'ong isang babae na umirap pa sa hangin. Para bang ito mismo ay hindi kumbisido sa sagot na iyon ni Regina.

Kahit naman ako ay hindi kumbinsido. Wala nga akong matanaw na bahay sa paligid namin.

"Nasaan nga pala si Osang?" tanong pa ng babae.

Pero bago pa man ako makasagot ay agad na nagbukas ang pinto sa banyo at iniluwa noon si Osang na noo'y nakatapi lang ng tuwalya sa katawan.

Damn. She's definitely giving me hard time.

"Carina? Regina? Anong ginagawa ninyo rito?" kunot-noo pa nitong tanong at iika-ikang naglakad.

Mabilis ko siyang sinalubong at inalalayan sa kamay.

She smelled so good!

"Dumaan lang kami, Osang," matabang na sagot ni Regina habang pinagmamasdan si Osang na noo'y medyo basa pa ang ilang parte ng katawan.

"Oh, dumaan? Talaga?" makahulugan pa siyang nakipagpalitan ng tingin doon sa isang babaeng tinawag ni Regina na Carina.

"Alam mo naman kami, Osang... Basta't para sa asawa mo. I mean, para pala sa 'yo, susuungin namin kahit ang dilim," nakangiting-aso pang sabat ni Carina.

"I see... How sweet," sarkastiko rin namang sagot ni Osang sabay kapit sa aking braso. "Kaso naman, wrong timing kayo. Loving time na namin ni Porky Beans ko..."

Ngumuso pa siya sa akin at pasikretong kumindat.

Pinigilan ko ang ngumiti at pinangkitan lang siya ng mga mata.

Baka nga totohanin ko ang loving time na iyan.

"Kadarating lang namin, paaalisin mo kami agad?" may paghihinampo pang himig ni Regina at ngumuso pa sa akin. "Walang utang na loob ang asawa mo, Ding..." makahulugan pa nitong bitiw ng mga salita.

Tanging marahang iling lang ang isinagot ko sa rito. Hindi pa ako handang sabihin kay Osang ang pagpunta ko sa Manila.

"Huh? Walang utang na loob? Para saan?" Naguguluhan pang pinaghalinhinan kami ng tingin ni Osang.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon