Move Sixty Four

4.3K 120 45
                                    

reynantoinette's note.

Pinublish ko na, wala lang, trip ko lang, pambawi huhuhu. Hahaha! Kasi andito ako sa bundok e, ngayon lang ulit ako nag-load ng broadband tapos mag-eexpire na mamaya at baka wala na ding signal kaya ayan. Ayan na. Hahaha. :D

vote and comment po :)

Chapter 64

 

 

Kristen’s POV

 

“Kakalimutan na lang kita, kalimutan mo na lang din ako. I hope that you’ll find your ‘mr. right’ soon.”

 

Hindi ko alam kung paano ako magigising sa realidad ngayon. Magsalita kayo, panaginip lang lahat ito di ba?

Kakalimutan na daw niya ako. At kalimutan ko na lang din daw siya.

Napalunok ako. Hindi ko yata kaya iyon.

Aalis pa siya. AALIS NA SIYA. Aalis siya sa sarili niyang school at mag-aaral sa ibang bansa para lang sa akin. Para lang di ako masaktan. To think, dapat ako ang lumayas sa school niya.

Napahawak na ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko, nahihirapan akong huminga

Panaginip lang lahat iyon di ba? Walang nangyari, hindi aalis si Zairus. Hindi, wala yun di ba?

“KRISTEN!”

 

Napatalon na lang ako sa kama ko nang biglang sumigaw si kuya.

Doon ko na lang napansin na lumuluha na pala ako. Dali dali kong pinunasan yung mga luha na pilit na tumutulo mula sa mata ko tsaka hinarap si kuya.

“Good morning ku—“

“Anong iniiyak iyak mo dyan, babae ka?”, yabang na tanong nito habang nakasandal sa pintuan ko. “Tumayo ka na dyan at mag-ayos ka na, ngayon na!”

 

“Mauna ka na kuya, inaantok pa ako.”,sabi ko tsaka humiga. Tumingin ako sa clock sa side table ko, 3:32 a.m.

“Impossibleng makakatulog ka pa niyan. Kanina ka pa kayang tulala dyan. Ang laki ng problema mo! Kababata mong tao! Mas malaki pa yata ang problema mo kaysa sa akin.”

Napatingin na naman ako kay kuya ko pero hindi ko na siya sinagot.

“Bumaba ka na, mag-ayos ka kasi ako ang maghahatid sa’yo sa school!”

Napatayo ako agad sa sinabi niya at agad akong bumaba ng kwarto. Kasi naman, minsan lang ganyan si kuya e. Busy rin yan sa school at kung minsan, mayabang yan kaya kukunin ko na itong opportunity na ‘to para ihatid niya ako sa school. Once in a blue moon lang bumabait si kuya e. Malay ko ba kung saan siya nagmana. Napaka-bipolar!

Pagkababa ko ng hagdan, pinikit ko yung mga mata ko, huminga ako ng malalim at sinabi sa sarili kong dapat maging masaya ako. Inhale the good vibes, exhale the bad vibes. Binuksan ko ang mga mata ko at pupunta na sana ako nang kusina para mag-breakfast nang napatingin ako sa sala.

My Sway, His Moves (COMPLETED)Where stories live. Discover now