Move Fifty Three

4.4K 113 28
                                    

Chapter 53

Kristen’s POV

 

“Guys! Si Zairus! Naman kasi e!”

Wala na akong pakialam kung mukha na akong batang umiiyak dito sa rooftop. Mag-6pm na pero di pa rin ako umuuwi. Marami pa namang mga estudyante ang nandito ngayon.

“Tahan na Kristen, wala na tayong magagawa. Nangyari na”, nakayukong sabi ni Denise na parang naiiyak na rin.

“O, akala ko ba ayaw mo si Zairus, bakit ka umiiyak ngayon?”, malungkot na sabi ni Brian.

Tumingin lang ako sa kanya.

“E kasi naman! Wha! Nakakainis!”, sabi ko sabay bato ng bag ko kina Brian. Nasalo naman nila yun.

“In another life I would be your girl, We keep all our promises, be us against the world, And in other life I would make you stay, So I don't have to say you were the one that got away. The one that got away!”, kanta ni Angela.

Mas lalo naman akong napaiyak, bwst naman e!

Ngayon araw din sana ako magsosorry kay Zairus, ngayon ko rin sana siya papayagan. Pero wala e! :’(

 

Kanina pa ring ng ring yung phone ko, kanina ko pa hindi sinasagot yung tawag nina mama, ayaw ko munang umuwi.

“Guys, saang ospital dinala si Zairus? Pupuntahan ko siya”, malungkot na sabi ko. “Teka, alam na ba ng mommy at daddy niya tungkol dito?”, pag-aalala ko.

Feeling ko, ako yung may kasalanan kung bakit na-aksidente si Zairus! Nakakainis naman kasi ng lalaking yun! May pa-surprise surprise pang nalalaman, tatanga tanga kaya ayan! Na-aksidente! Alam ba niyang nasasaktan ako ngayon? Magpapakamatay ako! LOL! ANG OA!

Napayuko na lang sina Denise.

Umiiyak na naman ako.

Saka mo lang talaga malalaman ang kahalagahan ng tao kung wala na siya.

 

“Nakakaimbyerna kang lalaki ka! Ang gwapo gwapo mo tapos mamamatay ka na ng maaga! Wala ng lahi ng mga gwapo ngayon.”, malungkot na sabi ko.

Narinig ko namang napatawa ng mahina sina Denise.

“Tatawanan niyo pa? Namatay na nga lang siya!”, naiiyak na sabi ko.

Ilang sandali pa ay lumapit na yung mga ibang estudyante sa kinaroroonan namin.

“Kristen, ayos ka lang?”, tanong ng isang kaklase ko.

“Oo, ayos lang ako, ang saya nga e, di ba? Namatay na yung taong nagpapaligaya sa’kin? Parang namatay na rin ang kaligayahan ko?”, sabi ko tsaka napatakip ng mukha. “Tngna, ang OA ko punyeta! Ayaw kong maging bitter!”

My Sway, His Moves (COMPLETED)Where stories live. Discover now