Move Twenty Seven

6.3K 136 51
                                    

Chapter 27

 

Kristen’s POV

 

Haay! Ilang araw na lang at School Festival na at ilang araw na rin kaming puyat at stress ng mga SBA Officers na magprepare ng mga gagawin -_- kasi naman, ang daming booths, nakakaloka. Pero wag kayo, maraming kainan!

Ilang araw na rin ang nakalipas pagkatapos nung nakausap ko si Zairus. Wala e, masyado talagang busy ang buhay namin ngayon. Pero ayos lang naman din (A/N: Wheeeeh?) OO! Wala na ring umaway sa akin! Yung three little pigs? Ewan ko! Na-lechon na sila! Ilabas ang lechon! Nasaan ang apol?!

“Oy! Nakikinig ka ba?!”, tanong ng assistant ko na si Kyler.

“Bakit naman ako makikinig sa isang manlolokong katulad mo?”,asar ko. Aba, totoo naman a!

“Ano?! I’m talking about the booths! Kung ano ano kasi yang iniisip mo!”, inis na tanong nito pero umirap lang ako.

Duh! Kung alam niyo lang, kanina ko pa binabara si Kyler! Nako! Magdusa siya! I am Kristen version 2.0! Level up!

“Oo, alam kong meron ka nang Zairus kaya yumabang ka!”, dagdag pa nito.

“Eh? So ano ngayon? Selos ka kasi mukhang alien yung girlfriend mo?”, supladang sagot ko. “Tsss! UFO! Unidentified FLIRTING Object!”, dagdag ko pa. Mwahaha! Magdusa siya!

Isa pa. Sabay sabay tayo!

I am Kristen version 2.0! Wiser. Braver. Stronger. Bolder. Fiercer.

It Takes A Man and A Woman~~ chos! Joke lang xD

Naglakad lakad ako sa school, well, ayos naman na lahat! Excited na tuloy ako sa kainan! Gosh! Yung mga tindahan, ayos na ayos na. Pero yung kainan ulit, mwahahahaha! Love it <3

“Kristen! Hoy babae!”, lumingon ako sa pinanggalingan ng sigaw na yan.

“Infairness! Ang ganda ng magiging school fest natin!”, excited na sabi ni Angela. “Oy! Long time no see, long time no talk! Baka mamaya may hindi na kami nalalaman!”, dagdag pa nito.

“Lol, anong hindi niyo nalalaman? Wala akong tinatago sa inyo no, sadyang busy lang ako.”, nakangiti kong sagot. “Di bale, magkakasama naman na ulit tayo sa School Fest”, dagdag ko rin.

 

“Eh, oo nga, busy ka tapos lagi mong kasama si Kyler, possible namang may something di ba?”, tanong ni Denise.

“Uy wala. Lagi nga kaming nagtatalunan nun, lagi ko siyang inaasar kaya ayun, puro away lagi”, sagot ko. Totoo naman e xD

“Hindi ba awkward? Kasi di ba, ex boyfriend mo yun tapos magkasama kayo ngayon? Partner pa?”, tanong ni Jasper.

 

“Hindi ba kayo, alam mo na, yung parang sa It Takes A Man and A Woman. Di ba nagkabalikan sina Migy (John Lloyd) at Laida (Sarah)? Baka maganon din kayo”, sunod na tanong ni Brian.

My Sway, His Moves (COMPLETED)Where stories live. Discover now