Move Eleven

7K 164 14
                                    

Chapter 11

Kristen's POV

Wala naman talagang tadhana o destiny, kung ano tayo ngayon yun ay bunga ng mga desisyon na ginawa natin noon. Kaya kung may mahal ka. Sabihin mo na. Malay mo bukas kayo na. :) Katulad ng isa diyan.

Good Morning everyone! Saturday naaaa! Gala mode on.

From: Denise

--

Yung ang cute kahapon! Ay ang ganda sobra! Ang ganda ng movie na pinanood namin! Salamat sa mga nakasama ko. Denise, Brian at Jasper! Sa uulitin uli! Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon! Later guys!

BTW, Magandang maganda AKOO!

From: Angela

Hayan nga pala yung mga GM (Group Message) na natanggap ko kani-kanina lang. Hindi ko na sila nireplyan kasi wala naman akong load. BUHAY Single! Walang load ._. Kahit naman kasi textan ko yung mga yun, wala namang mangyayari.

Healthy na ako ngayon! Magaling na, maganda na rin. Di katulad kahapon na #HaggardOverload ang trending sa face ko. Sabado na! At malaya na akong gawin lahat ng gusto ko! Malaya na akong mamasyal, magcomputer, kumain at kumain at kumain! Yehey!

Bumaba na ako papuntang KUSINA. (Wow! Halos ilang chapters na yata ako na ang main setting ay ang kusina.) Halatang rawet talaga ako! Hahaha!

"Eating again, huh?", biglang tanong ng isang pamilyar na boses.

"Anong ginagawa mo dito sa pamamahay KO?", inis na tanong ko. Paano naman kasi, bakit wala bang araw na hindi ko makikita si Zairus? Oo na, magkakilala ang pamilya namin, naiintindihan ko yun, pero ngayong umagang umaga pa lang ay nandito siya sa bahay? Gosh! Nasaan ang hustisya?!

"Overnight. Problema mo?", tanong nito.

"Marami akong problema, kabilang ka na dun kaya utang na loob, kung gusto mong mabawasan ang problema ko, lumayas ka sa paningin ko!", inis na sagot ko.

"Bakit mo kasi ako tinitignan? Hindi naman ako nagpapakita sa'yo! Masyado lang lakwatsera ang mga mata mo! Problema mo yan kaya dapat ikaw ang humarap hindi ako", sumbat pa niya, walang emosyon.

Huh? Ang gulo? Kasalanan pa ba ng mga mata ko na makita siya? Di ba yun naman ang silbi ng mata? Para makakita? Loka! (Silbi ng mata mo? Para makita mo SIYA! Yun yon!) -_- Korny.

"Hoy Kristen! Katatapos lang ng love sick mo tapos mag lolove quarrel kayo ngayon ni Zairus? Sobrang pag-aabuso yan", biglang singit ni kuya. Pati ba naman siya? -_- wala na bang katapusan itong paghihirap ko? "Magready ka na, di ba may pupuntahan ka somewhere?!", dagdag pa nito.

"Saan?", pagtataka ko.

"Shunga! Somewhere nga e! Secret na yun!", singit ulit ni Zairus.

"Hi Kuya! Saan ako pupunta? Hindi ikaw yung kinakausap ko!", pagsusuplada ko.

"Ayusin niyo nga yang relasyon niyong dalawa! Ang gulo niyo!", natatawang sabi ni kuya habang lumabas ng kusina.

"Tinitingin-tingin mo? Ano? Ang ganda ko kasi!", sabi ko kay Zairus habang gumagawa ng sandwich. Hohohoho! Totoo naman.

"Ay oh? Saan banda? Hindi ko makita e!",sagot naman nito kaya tinadyakan ko siya ng sobrang sobra. Bwiset.

My Sway, His Moves (COMPLETED)Where stories live. Discover now