Move Fourteen

6.5K 131 15
                                    

Chapter 14

Kristen’s POV

 

Maaga akong pumasok ng school. Mangongopya pa kasi ako ng notes. Aba delikado na kung mawawala ako sa list of outstanding students lalo na ngayon kasi graduating na.

“Ang aga mo naman yatang dumating”, rinig kong sabi ni Christian, isa sa mga kaklase ko. Wag kayoo! Siya rin yung President ng School Body Association (SBA)

“Kailangan ko kasing bumawi, magrush. Absent kasi ako nung Friday. Huli na ako sa lessons kaya UY! Pahiram naman ako ng mga notebooks mo!”, sabi ko. Kinuha naman niya yung bag niya tsaka [pinahiram sa akin yung mga notebooks niya. Binuklat ko naman ang mga ito.

“Uy Christian! Hindi k aba nangongopya ng notes? Nakopya ko na ‘to noon a. Tapos ko na ‘to. Wala ng iba?”,pagtataka ko.

“Wala kaming kinopya noong Friday! Ang boring nga e, ang dami pang nag-absent nung hapon. Di ka kasi nagtanong e! Hahaha! Notebook agad! Walang teachers noong Friday! Nagmeeting sila!”

“Walang binigay na seatworks? O assignments? Activities?”, pag-aalala ko habang binabalik yung mga notebooks niya.

“Meron, kaso ginawahan ka yata ni Zairus. Ang galing nga niya e. Ang sweet ng boyfriend mo, ginagawahan ka pa niya ng activities kahit sinasapak mo yun minsan. Hahaha! Naka-move on na, lumevel up pa!”

“Luh? Hindi ko boyfriend yun! Maniwala ka sa akin! Teka nga, ano ba yung pinagmeetingan ng mga teachers?”, pagpapalit ko sa topic. Ang awkward kasi.

“Sus! Winawala pa yung usapan e! Yung meeting nila? Ewan, about sa School Festival yata. Sasabihin din sa SBA mamaya kaya dapat pati ikaw, umattend ka sa meeting.”

“Gosh! Busy na naman tayo!”, lalo naman ako, SBA secretary, magkakaubos ubos na naman ang papel at ballpen ko sa rami ng requirements na i-tetake note ko. ._.

Ay oo nga pala! May sasabihin akong secret sa inyo! Si Christian Sy, crush ko dati bago ko nakilala si Kyler! Wala, share lang, para naman may alam kayo tungkol sa kanya, hahaha. Nako! Gwapo yan, simple, mabait, resposable, at higit sa lahat, ma-effort at matalino yan! Ewan ko lang kung bakit nawala yung pagtingin ko sa kanya, dahil siguro dumating na si Kyler NOON…

Bigla naman akong nagulat nung kinalabit ako ni Christian, “Andiyan na ‘yung boyfriend mo! Hahaha!”, sabay turo sa direksyon ni Zairus.

“Ugh, di ko nga siya boyfriend! Ang kulit e!”,sabi ko sabay ayos ng gamit ko.

“Eh ano? Crush mo?”, pang-aasar pa nito.

“Ano ka ba! Wala nga e!:,sabi ko pero nangiti pa rin. Di ko kayang magalit kay Christian no! Ang cute kaya niya. Hahaha. Pero mas cute pa rin si Zai-AKO!!!!!!!

“Eh bakit ka namumula?”

“Mainit kasi! You know na, allergic ako sa mainit! Hahahahaha!”

“Mainit ka diyan? Ang lakas nga ng aircon oh! Tutok na tutok pa sa’yo!”, sabi nito kaya tinalikuran ko na. Porket namumula, dahil kay Zairus agad? Pwede bang kay Christian naman? Mas matino konti. Hahaha.

Tumingin naman ako kay Zairus. Nako! Pagkadating niya, diretso upo at tulog na ang ginawa! Hindi pa namansin! Sus! May kasalanan pa yan sa akin! Nang dahil sa kanya, napaniwala ang lahat na nagdate kami at kami na! Eww! No way! Malayong mangyayari yun no!

My Sway, His Moves (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora