Move Nineteen

5.3K 126 24
                                    

Chapter 19

Kristen’s POV

 

Nakangiti akong pumasok sa university. Wala lang, ewan ko ba, feeling ko, wala akong problema. Basta ang ganda ng araw ko! Lahat kasi ng nakakasalubong ko e napapangiti. Oh di ba? Pampaganda ng araw!

“Hi Bubby!”, bungad sa akin ni Zairus. Ang gwapo niya! Promise!

“Hi Frappy”, bati ko rin habang inaayos yung mga gamit ko sa table ko.

Paki-explain nga kung bakit ako ganito?! Kasi simula pag gising ko ang saya ko na!

”Bubby? Frappy? What the hell! Ano yung mga yun?”, tanong bigla ni Denise habang lumalapit sa amin.

Ngumiti lang naman ako sabay sabing “Code Names”

Napansin ko namang nagtinginan yung mga classmates ko sabay sabing “Oh, CODE NAMES!”, ganoon rin yung reaction ni Denise.

Nakakapagtataka. Anong problema dun? Grabe e, makangiti sila parang may balak silang patayin ako.

“Bubby! Ma-eexcuse pala ako ngayon. Whole day”, tuwang tuwa na sabi sa akin ni Zairus.

“Tinatanong ko?”

“Bubby naman e, nagpapaalam lang. baka kasi mamiss mo  ako! Hahaha!”, tawa pa nito.

Napansin ko ring ngumingiti yung mga kaklase ko pero hindi ko na lang sila pinansin. Ano namang dapat ikangiti dito di ba? Titingin tingin pa sila e, mga tsismosa.

“Wag kang feeling. Para saan ba yan?”, pagtataka ko. OOOY! NAGTATANONG LANG AKO! HINDI KO SIYA MAMIMISS! EEW!

“Dance practice”, sagot nito.

“Wheeeeeh?”, whooh! Di ako naniniwala! Magaling sumayaw yang mokong yan? OWS!?It’s a MIRACLE!

“Bakit?”

“Alam mong sumayaw? Wheeeh?”

Tinignan niya ako sa mata tsaka tumawa. Ge. Ano ba naman yan.

"Hahahaha! Para kang Bavarian! Doughnut! Hahahahaha!!, tawa nito.

“Hahahaha! Bubby! Hahaha! Ang kapal ng pulbos mo!”, sabi nito. Nagpipigil pa raw siya ng tawa sa lagay na yan.

Agad agad ko namang kinuha yung phone mula sa bulsa ko tsaka ginawa itong salamin (PS: Ang phone ko ay ginagawa kong salamin sapagkat wala akong katext. #BUHAYSINGLE!)

Makapal nga -_-

Kinuha ko yung panyo ko at inalis alis yung mga pulbo na nasa mukha ko.

“Oh? Ayos na?”, inis na sabi ko.

Nakooo! Nakakahiya ako! Kaya pala ang daming ngumingiti ngiti kanina sa dinadaanan ko e! Leche! Tapos tatawanan pa ako nitong lalaking to.

“Saglit”, sabi niya sabay kuha ng panyo niya tsaka pinahid sa mukha ko. “Nagpapaganda ka nga, hindi mo naman alam gumamit ng pulbos. Wala rin!”, dagdag pa nito.

Halla! Nakakahiyyaaaaaa!

Bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko tsaka naramdaman kong nag-iinit yung mukha ko. Anobanamanyan!

Napansin ko ring sumisilip sina Jasper, Brian at Angela kasama si Denise sa labas. Isama mo na rin yung mga echoserang mg aka-batch namin na pasimpleng naghihiyawan. Hallaaaa! Issue na naman ito!

“Uy Zairus! Tama na, thanks”, sabi ko habang inaalis yung panyo na hinahawakan niya sa mukha ko.

Inalis naman niya agad yung kamay niya pero hindi pa rin niya inaalis yung mga ngiti sa mukha niya.

“Hahahahahahahahaha! Bubby! Ang cute cute mo! Hahahaha!”, tawa niya sabay pisil sa pisngi ko.

ANO AKO? CLOWN!?

“Bitaw nga, nakakahiya e! Para kang bakla!”, asar ko sa kanya.

“Hindi ko sasayangin itong kagwapuhan ko!”,sagot naman nito. Ang feeling talaga niyaa!

Hindi naman nagtagal ay nag-ring na yung bell. Time na. lahat ng estudyante, bumalik na sa kanya kanyang mga classroom at

“Bubby! Out na ako! May practice pa e”, pagpapaalam nito.

Ngumiti na lang ako bilang sagot. Halla Kristen! Anong nangyayari sa’yo?!

Bigla namang tumabi sa akin si Denise. “Ningingiti ngiti mo diyan babae ka? Kanina ka pa ah!”

Hindi ko namalayan ang naisagot ko… Nakakagulat nga e, nakakaloka, nakakabaliw, nakakamatay… “kaseee… KINIKILIG AKO!”

 

AUTHOR’S NOTE

SHORT UPDATE! Halla, pasensya po kung medyo matagal ang UD, pinilit ko lang magUD ngayon at pagkakaalam ko, medyo lame. XD Ang sakit po kasi ng mata ko. Nagluluha na ewan. Hahaha! Nung Tuesday pa ganito. :’( halla sige, sana nagustuhan niyo yung flow ng chappy na ito. Magcomment naman kayo kung nagandahan o napangitan kayoooo! Hahaha! Pavote na rin :D Thanks!

 

reynantoinette

My Sway, His Moves (COMPLETED)Where stories live. Discover now