Move Thirty Three

5.9K 135 27
                                    

Chapter 33

 

Kristen’s POV

 

I know it

Feels like flying

I can’t stop smiling

You’re the one I’ve been dreaming of

 

It’s like happily ever after

And nothing else matters

I guess that’s falling in love…

 

Kasayaw ko yung stuff toy na Stitch na binigay sa akin ni Zairus habang pinapatugtog yang kantang yan sa Youtube. Ang cute lang kasi. Alam niyo yan? Yung kanta sa app na Talking Angela (yung pusa). Grabe, talo pa ako ng pusa pag ma-inlove. Actually, 6 times ko na yata inulit yang kantang yan. Ang cute kasi. Naka-speaker pa yan dito sa kwarto ko. Hahahaha. LSS.

“Oh? Tapos na ba yang sayawan niyo?”,gulat ni kuya sa akin tapos biglang nanlaki yung mata nung nakita niya yung stuff toy na hawak ko. “Oy, bago yan? Kanino galing? Ngayon ko lang nakita a!”, sabi niya sabay higa sa kama ko. Ganyan yan.

“Kay Zairus kuyaaa!”

 

“Buti naman at ginusto niyang sayangin yung pera niya para sa gurang na katulad mo. Teka, kayo na ba?”, nagtatakang tanong nito.

“Hindi pa po. Pero malapit na. Bwahahahaha!”, sagot ko, oo alam kong bawal masg-assume pero nafifeel ko na e! Hahahaha

“Ah, Kristen! Nagkabalikan ba kayo ni Kyler?”, seryosong tanong ni kuya.

“Kuya, hindi a, yuck.”, nandidiring sagot ko.

“E ano yung nasa Facebook?”, tanong ulit niya.

“Anong nasa Facebook?”,e hindi na nga ako masyadong nagpe-facebook e. Ang boring din naman kasi.

Pinakita sa akin ni kuya yung iPad niya tapos itinapat sa mata ko mismo. Grabe, anong tingin niya sa mata ko?! Oo near-sighted ako pero grabe naman kalapit yung ginawa niya.

Plinay ni kuya yung video. Yung kanina, yung kinantahan ako ni Kyler ng ‘Like We Used To’

“Kuya, itigil mo nga, ayokong mapakinggan at makita yan!”, sabi ko pinause nga ni kuya yung video tapos pinakita niya sa akin yung mga likes at comments.

“Eto oh.”, iniabot niya sa akin yung iPad niya tsaka tumayo at naglibot libot sa kwarto ko. “Challenging.”, dagdag pa niya.

Biglang nanlaki yung mga mata ko sa mga nabasa ko..

Zairus Villafuerte: LIKE WE USED TO? ‘Does he watch your favorite movies?’ Nice song Kyler. Sayang lang at wala ako dyan kanina. Favorite movies? What kind of movies? Love stories? Happy endings? Bakit ko pa papanoorin yun kung kontento na ako sa love story namin ni Kristen na mas maganda pa kaysa sa mga tinutukoy mo? LIVE pa yun! ‘Does he hold you when you cry?’ Hindi ko pa siya pinaiyak o sinaktan ‘di katulad ng ginawa mo. ‘Does he do all these things like I used to?’At kahit kailan, hindi ko gagawin sa kanya yung mga ginawa mo. Kasi ako, totoo ako, Mas ayos ako kaysa sa’yo At kailanman, hindi ako tutulad sa mga pinanggagawa mo. Kasi unique ako hindi katulad mong peke. At wag ka na sanang umasa pa na babalikan ka ni Kristen kasi akin lang siya.

My Sway, His Moves (COMPLETED)Where stories live. Discover now