Move Forty Nine

4.1K 118 32
                                    

Chapter 49

 

Kristen’s POV

 

“ANO?!”, sigaw nila. “SINAGOT MO SI KYLER?!”,sabay hila ako sa may cafeteria.

Pinagtitinginan kami ng mga tao.

“So?”,nakangiting sabi ko at umupo ng maayos. “Ano namang masama dun?”, pagtataka ko.

“GAGA! YUNG SERYOSO KASI! MAGPAPAKATANGA KA NA NAMAN SA LALAKING YON?!”, galit na sabi ni Angela.

“Relax!”,natatawang sabi ko sa kanila.

“Oy, ikaw babae ka, kung ano man yang plano mo, itigil mo na. di nakakatuwa”, inis na sabi sa akin ni Denise.

“Relax ka dyan? Paano kami magrerelax kung lolokohin ka na naman ng lalaking yun? Baka mamaya para ka na namang asong nawawala kung niloko ka niya! Hanapin mo utak mo! Na-misplace mon a naman!”, sabi ni Brian.

Nakakatuwa talaga. Bakit ganon? Bakit hindi sila maging masaya para sa akin? Dapat nga matuwa sila kasi may love life na ako di ba? Para di na ako laging bitter <3

“Babae, ex mo yun. Meaning, deleted! Hindi tama! Da[pat kalimutan na! Basura mo na si Kyler! Ano yun? Sinuka mo na nga tapos kakainin mo ulit?! Dugyot lang ‘te?!”, inis na sabi ni Jasper.

“Bakit ko kakalimutan ang isang pinaka magandang EX-ample ng aking kamalian na naging dahilan para matuto akong pumili ng TAONG mas dapat pagkatiwalaan at HINDI ako iiwan.”, natatawang sabi ko sa kanila kaya naman binatukan nila ako.

“YUNG TOTOO?! SINAGOT MO BA YUN?!”,halatang gigil na gigil na silang sapakin at sabunutan ako.

Tumingin ako sa kanila ng walang emosyon.

“Nagtanong siya e tinanong niya kung pwede kaming magbalikan, e di sinagot ko. Masyado naman akong bastos kung hindi ko papansinin yung tanong niya di ba?”, sabi ko ulit kaya nakatanggap na naman ako ng batok. Sige.

“Guys, ano ba. Sinagot ko nga yung tanong niya di ba. SINAGOT ko lang! ANG TANONG! ANO NGA BA YUNG SAGOT KO?!”, natatawang sabi ko.

Natahimik naman sila tsaka kalmang sinabi ni Denise na, “E anong sagot mo?”

“HINDI! YUCK! BAKIT KO BABALIKAN YUN?!”, natatawang sabi ko.”Kayo kasi, ang advance niyong mag-isip. Hindi niyo man lang tinanong kung oo o hindi yung sagot ko. Tsss”

Tatawa na ulit sana ako nang biglang hinigit ni Angela yung buhok ko. Bwisit.

“E siyempre, kasi naman! Ang gaga mo! Bwisit ka! Alam mo bang halos mamatay na kami dahil sa pag-aalala?! Buti nga at binasted mo yun!”, sabi ni Denise.

“Ano nga bang nangyari?”, tanong nito.

Ganito kasi yun…

:Flashback:

 

“Pwede bang tayo na ulit?”, tanong sa akin ni Kyler nang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

“Hindi at pag sinabi kong hindi, ayaw ko talaga, magkaibigan ayos pa, pero yung maging tayo ulit? Di ko na matatanggap yun”, sabi ko.

“Ano ba Kristen?! Bakit ba si Zairus? Sinaktan ka naman niya a! Pero bakit siya pa din ang gusto mo?!”, inis na bulong niya sa akin.

“Wala ka nang pakialam kung gusto ko si Zairus. Siya nga walang pake, ikaw pa kaya?”, bulong ko.

“Ang tanga mo!”, sabi  sa akin ni Kyler. “Kristen, ito na ako, humihingi na ako ng tawad. Second chance naman o, magseseryoso na ako!”,dagdag pa nito.

“At na-tanga pa ako? Oo nga naman, nagpakatanga naman ako nung sinagot kita. Akalain mo yun? Pinatulan pala kita? And excuse me mister, there’s so many people that deserve a second chance with me. Why would I waste it on someone that already had it and just threw it away the first time? Ikinakahiya kita”, inis na sabi ko kay Kyler.

"Bago mo ako ikahiya bilang EX mo, ipagtanong mo muna kung naging PROUD ba ako noong naging TAYO.", sabi niya.

“Bakit mo pa ako gustong balikan kung hindi ka naman pala naging proud nung naging tayo? Shunga!”, sabi ko sabay walk out.

 

:End of Flashback:

 

“O, di ba?”, nakangising sabi ko sa kanila.

“Okay, gaga forever ka talaga!”, sabi sa akin ni Denise. “Grabe, akala ko sinagot mo na talaga yun!”

 

“Uy! Kristen!”, gulat sa akin ni Christian.

“O?”, tanong ko.

“Ano namang nabalitaan ko sa birthday party ni Zairus?”, nakangiting tanong niya sa akin.

“Aba malay ko, ikaw nakabalita tapos ako ang makakaalam? Tanga ka lang?”, sabi ko.

“Anong nangyari?”, tanong sa akin ni Denise at umayos pa ng upo ang gagang tsismosa.

“Ewan ko, nasira daw yung party e.”, sabi ni Christian. “Paano ba yan Kristen? Nawasak mo na yung puso ni Zairus?”, natatawang tanong niya.

Natahimik naman sina Angela at ilang saglit pa ay tumawa na naman.

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang gwapong dragon na ngayon ay umuusok na yung ilong at tenga niya.

Bigla naman niya akong hinila patayo at palabas sa cafeteria

“LET’S TALK!”

 

AUTHOR’S NOTE

 

VOTE COMMENT. SANA NAGUSTUHAN NIYO MGA BH3 XD HAHAHA. SORRY KUNG MEDYO LAAAME. PINILIT KO LANG MAG-UD NGAYON KAHIT ANTOK NA ANTOK NA AKO :) 25+ votes for the next chapter. nga pala, paalala ko lang, abangan niyo po yung next chapter. Masaya yun! Nakaka-inlove. Bwahahaha. Seryoso. -_-

 

reynantoinette

My Sway, His Moves (COMPLETED)Where stories live. Discover now