Move Seventy

3.4K 92 20
                                    

Chapter 70

 

Kristen's POV

 

"Yo! Tara na Kristen!", masayang bati sa akin ni Zayden pagkalabas ko ng bahay.

 Nginitian ko naman siya at tumayo mula sa pagkakaupo ko. Madaling araw pa lang kaya medyo madilim dito sa labas. 3 am pa lang e. Sabi kasi nina Zayden na medyo malayo daw yung beach house na pupuntahan namin. Uh daming arte no? Pwede naman kasing sa malapit na resort e. Yan tuloy, napapaaga kami ng gising.

Pinaupo ako ni Zayden sa harap, sa may passenger's seat ng kotse niya

"Kristen, akin na yang bag mo, ilalagay ko sa likod", sabi ni Zayden.

"Ah-Oo sige sige.", sagot ko sabay abot sa kanya ng mga bag ko.

Nang makasakay na si Zayden sa driver's seat e nagtanong ako agad, "Asan na sina Angela?"

"Sa plaza na lang daw natin sila kunin. Matulog ka muna kasi medyo mahaba haba yung biyahe."

Tumango na lang ako tsaka tumingin sa labas. Kahit gusto kong matulog, hindi naman ako inaantok. Kagabi pa ako ganito. Di ko alam kung bakit. After 20 minutes, hindi ko namalayan na nandito na pala kami ni Zayden sa plaza.

"Wait lang daw kasi bumili pa daw sila ng pagkain", medyo naiinis na sabi ni Zayden. Hahaha excited lang?

"Sige okay lang"

After 10 minutes e agad kong napansin sina Angela at Jasper na naglalakad. Kapansin pansin nga yung malalaking bag na hawak hawak nila e.

"They're here", nakangising sabi ni Zayden sa akin tsaka bumaba ng kotse para tulungan sila sa mga dala nila.

Kita kong ngiting ngiti sina Angela, Brian, Jasper, Christian, Denise at Zayden habang naglalakad papunta dito sa sasakyan. Feeling ko may pinag-uusapan pa nga sila e. Nang malapit na sila sa sasakyan, bigla silang natigilan kasi may biglang nakipag-apiran kay Zayden at Christian.

Napatingin ako sa taong yun. At bigla na lang lumakas yung tibok ng puso ko. May hawig siya sa lalaking nasa coffee shop nung isang araw.

Si Zairus.

Nakangiting nakipag-apiran naman sina Denise, Angela, Jasper at Brian kay Zairus at hindi ako pinansin dito, Wow ha, matagal nga siyang na wala pero ang gwapo pa rin niya. -_-

Pansin kong may pinag-uusapan na naman sila hanggang sa napatingin dito Zairus dito. Naiiyak ako kaya tinignan ko na lang yung phone ko at kunwaring nagtetext. Nakakaiyak. Nakakalungkot. Paano ba naman kasi, kung nakangiti si Zairus kaninang dumating siya e biglang nawala nung tumingin siya sa akin.

Teka, siya nga ba si Zairus?

Malamang -_-

Gusto ko nang bumaba dito sa kotse. Gusto ko nang umuwi.

Bakit ba kasi hindi nila pinaalam sa akin na dumating siya? Na sasama siya? Nakakabadtrip naman.

Di naman nagtagal e naglakad na ulit sila papunta dito sa sasakyan. Medyo kinakabahan na nga ako e. Pano ba naman kasi! Bakit naman kasi! UGH!

"Good morning Kristen!",masayang bati sa akin nina Christian pagbukas nila ng pinto ng sasakyan sa backseat.

Tinignan ko lang sla, hindi ako makangiti. Ninenerbyos ako, at alam kong halata nila yun.

My Sway, His Moves (COMPLETED)Where stories live. Discover now