Move Forty Three

4.8K 123 23
                                    

Chapter 43

 

Kristen’s POV

 

Don’t be too confident when someone tells you they like you… the real question is UNTIL WHEN? Because just like seasons, PEOPLE CHANGE

 

Pagkalabas na pagkalabas namin ni Kyler sa school, naglakad kami papunta sa park, malapit lang naman e. Gusto niya sana akong ihatid pauwi sa bahay pero tumanggi ako kasi baka pagalitan pa siya ni mama. At isa pa, ayaw ko pang umuwi.

Habang naglalakad kami, napadaan kami ni Kyler sa Peace Garden. Naalala ko tuloy kung paano kami nagkabati ni Zairus. Yung nag-aaway kami dito dahil sa hindi niya paglilinis noon, dito rin yung umiyak ako kasi akala ko namatay na siya tapos pinagtanggol niya ako sa mga tatlong baboy. Hays! Nakakamiss!

Napadaan kami sa pader kung saan nakasulat yung pangalan namin ni Zairus na isinulat namin noong detention namin. (check Chapter 18) Nagflashback ulit yung nangyari. Nakakamiss siya. Nakakamiss yung kalokohan niya.

“Kristen! Gusto mo ng streetfoods?”, tanong ni Kyler pero napailing na naman ako.

Kasi naman e! naalala ko na naman si Zairus nung gutom na gutom kami nung detention at no choice na. yung tinuruan ko siyang kumain ng street foods, yung nagsusumbatan kami… Dito yata kami nagsimulang naging close noon.

Napayuko na lang ako.

“May mga bagay na hindi para sayo dahil nakalaan para sa iba, pero tandaan mo na may mga bagay na hindi para sa iba dahil nakalaan para sayo”, sabi ni Kyler habang iniaabot sa akin yung panyo niya.

Umiiyak pala ako.

“Maraming bagay ang pwedeng ipaglaban, Pero hindi lahat ng to maaring ipagpilitan. Tandaan mo yan”, dagdag nito at inakbayan pa niya ako.

Wala naman sigurong masama kung magpapaakbay muna ako kahit ngayon lang, ang sakit kasi ng nararamdaman ko. Kailangan ko ng kasama.

“Kung sino pa yung gustong gusto mong mapasayo, yun pa yung ipinagdadamit sayo ng buong mundo!”, sigaw ko.

 “Kasi naman e, sabi nila na bagay kami. Tama nga naman, hindi na uso yung, HINDI KAMI TAO, HINDI KAMI HAYOP. BAGAY KAMI! Ang uso na ngayon e. BAGAY DAPAT KAMI E, MAY HAYOP LANG! ”, inis na sabi ko habang umiiyak pa rin.

Narinig ko namang napatawa na lang si Kyler.

“Si Yasmine ba yung tinutukoy mo?”, nakangiting tanong niya.

“Oo, alam kong girlfriend mo siya, pero wala akong pakialam”, sagot ko.

Nang nakarating na kami ni Kyler sa park, actually sa Children’s Park talaga kami dumiretso, umupo kaming dalawa sa swing. Magkatabi kami. Nakayuko lang ako. Ano ba! Wag kayong manira ng trip! Nag-eemote ako!

"Fight for someone dahil gusto mong patunayan na ikaw ang karapat-dapat. Hindi yung dahil sa gusto mo lang talunin ang karibal mo.", sabi ni Kyler.

“May sinabi ba akong gusto kong talunin si Yasmine?”

“Wala naman, halata lang kasi sa mga sinasabi mo”, sagot ni Kyler

My Sway, His Moves (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon