Move Forty

5.2K 126 55
                                    

Chapter 40

 

 

Kristen’s POV

 

“The Law of Science: Nothing is displaced until it is replaced translated into Law of Love: You’ll fall out of love only if you fall for someone else.”

 

“Boom!”, sigaw lahat ng mga kaklase ko tsaka palihim na tumingin sa akin.

 

Science subject nga pala namin ngayon at hindi ko alam kung bakit ganito ang topic namin. Oo, alam kong inaasar nila ako. Pero wala akong pakialam!

Tsss. Ilang araw naang nakalipas nang  natapos na yung school fest at ayun, back to normal ulit. Pero para sa akin, naging malabo na ang lahat. Kasi naman e, hindi na katulad ng dati. Wala nang nangungulit, wala nang nagpapangiti sa akin. Buong araw ko ang dull.

Hindi muna ako pumunta sa proper seat ko ngayon kasi ayaw kong makatabi si Zairus. Wala lang, nasasaktan kasi ako pag nakikita ko siya e.

‘E tinanong mo pa kasi e kahit alam mo naman ang sagot. Yan tuloy, nasaktan ka.’, yan lagi ang sinasabi ng isip kop ag nagpaflashback yung sinabi ni Zairus na mahal nga niya si Yasmine. Bdtrp.

Naging malabo ang lahat…

Minsan, hindi na pumapasok sa klase si Zairus, nagka-cut siya ng klase, kung minsan patago siyang nagtetext tapos hindi siya nakikinig sa teachers. O di ba? Ang ganda ng buhay niya?

“Pati ba naman Love may law din? Grabe daming alam!”, bulong ko kay Denise. Sa kanya kasi ako tumabi.

“Oo, may rule pa nga ang love e. PWEDENG KILIGIN PERO BAWAL UMASA!”, madiin na bulong nito sa akin kaya inapakan ko agad yung paa niya. Alam niyo yun? Yung ang lungkot lungkot mo na nga tapos babadtripin ka pa ng kaibigan mo? Aba matindi!

Hindi na lang ako sumagot dun at sumandal na lang ako sa pader at napatingin sa bintana. Hindi naman ako mapapansin ng teacher kasi andito lang naman ako sa gilid.

“Muli na naman akong nabiktima ng isang paasa”, bulong ko sa sarili ko.

“Hindi naman talaga siya paasa e, masyado ka lang talagang assuming”, natatawang sabi ni Denise.

Magsalita nga kayo! Kaibigan ko nga ba talaga ‘to?!

Pero sa tingin ko, may point siya, nag-assume naman talaga ako.

Ito na talaga ang pinakamalas na aksidente sa buhay ko -- ang nahulog ang puso ko sa taong hindi ako gusto

“Wag mong isipin yun, hindi ka nun mahal”, asar ulit ni Denise pero di ko nalang ito pinansin.

Ang galing talagang magcomfort ng kaibigan ko no? Nakakatulong siya, promise! -_-

Di naman nagtagal ay naglunch na. Wala naman akong balak kumain kasi wala akong gana ngayon. Magdiwang ulit kayo! Pero humanda kayo sa pagpipyesta ng tiyan ko kung sakaling naka-move on na ako!

My Sway, His Moves (COMPLETED)Where stories live. Discover now