Move Fifty Nine

3K 94 26
                                    

Chapter 59

 

Zairus’ POV

 

Nagmamadali akong magdrive. WALA SI KRISTEN SA PARK! Kanina pa ako palibot libot sa siyudad nang biglang nagtext sa akin si Brian na nasa ospital daw si Kristen. Ang galing ano? Nagtext si Kristen sa kanila tapos sa akin, di man lang niya sinabi na nasa ospital siya?!

“Bakit mo ba kasi iniwan yun! Bilisan mo nga!”, inis na sabi ni Denise sa akin. Nakisakay sila sa akin kasi sasama daw sila sa ospital. NAKIKISAKAY LANG tapos sila pa ang galit \m/

“Alam mo na nga na masama ang pakiramdam nun e”, sabi ni Jasper.

“Sabi kasi niya na meron yung kuya niya at sabay silang uuwi, nagpumilit siya sa akin na iwan ko siya sa park!”,inis kong sagot sa kanila.

“At iniwan mo naman?”, tanong ni Angela.

“O baka naman kasi may inuuna kang iba kaya ayun, nagpaiwan ang gaga”, dagdag ni Denise.

Tumahimik na lang ako. Tsss. Ang iingay!

“Hindi mo ba alam na masama ang pakiramdam ni Kristen?”, tanong sa akin ni Brian.

Tumingin ako sa kaniya “Anong meron?”, tanong ko.

“Hay! Kaya pala!”, sabi ni Angela sabay irap sa akin.

“Saan ba kayo pumunta ni Kristen noong nakalipas na mga araw?”, tanong ni Brian.

“Grania Hill tapos sa peryahan.”, sagot ko.

“Wag mong sabihing umakyat kayo ng Grania Hill? Mataas yun”, tanong ni Jasper.

“Wala akong sinabi””, cold kong sagot “Aakyat sana kami pero tumanggi siya”, sagot ko.

“Tapos pinilit mo siyang pumunta ng peryahan?”, tanong nila.

Tumango lang ako. “Ano bang meron?”

Bwisit nag-aalala na ako.

“Asthma. Grabeng mag-asthma yung babaeng yun. Parang wala nang bukas. OA na kung OA pero ganoon siya”, sabi ni Denise.

Natahimik ako. Ganon yun?

“Bakit hindi niya sinabi sa akin?!”, tanong ko.

“Baka hindi mo itinanong”, walang emosyong sabi ni Angela.

“Tinanong ko pero sabi niya okay lang siya”, sabi ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko.

“Hindi mo ba alam na kabaliktaran ng ‘okay lang’ ang nararamdaman niya? Hindi mo ba napapansin ang mga kilos niya? Minsan kasi dapat, hindi ka lang sa salita dumedepende para masiguradong okay lang ang taong yun”, mahabang sabi ni Jasper.

Sasagot pa sana ako nang bigla nilang pinatigil yung sasakyan kasi nandito na pala kami sa ospital kung saan ipinunta si Kristen.

My Sway, His Moves (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ