Move Seven

7.6K 177 28
                                    

Chapter 7

 

“Seryoso Kristen? OMG! Iisa lang ang ibig sabihin niyan!”, gulat na sabi ni Denise.

“Alam na this Denise! This is hart hart”, dagdag naman ni Angela.

“Destiny!”, sabay na sabi ni Brian at Jasper.

Uuugh! Hindi ko na lang sana kwinento sa kanila yung nangyaring “party” kagabi. -_- ang daldal ko talaga.

“Nakoo! Tumahimik nga kayo, wala yon. Tsaka, wala namang importanteng nangyari kaya, ibasura na lang natin yun ha? Forget everything!”, sigaw ko sa kanila habang nagdadabog sa corridor namin papasok sa classroom.

“Hi Kristen! Good Morning! Kamusta gising mo? Kumain ka na ba?”, bungad sa akin ni Zairus sa pinto ng classroom na siya namang ikinagulat ko.

“Ano? Kanina, masaya pa yung umaga ko. Pero nung nakita ko yang pagmumukha mo? Hay leche! Para akong tinangay ng malakas na lindol at bagyo na pinagsabay sabay!”, sagot ko.

“Salamat sa pagsagot ng tanong ko”, sabi naman nito habang nakangiti pa.

“Hoy Kristen at Zairus! Kung nag lo-love quarrel kayo, wag dito sa harapan namin. Gawin niyong pribado!”, sigaw ni Brian.

“Oo naman ‘tol. Nagsosorry na nga ako sa kanya, hindi man niya ako bigyan ng second chance e. Mahal na mahal ko pa naman si Kristen!”, sabi nito sabay akbay sa akin.

“Ikaw! Leche ka! Wag kang feeling! Nakakainis ka alam mo yon?! Doon ka nga! Kahit sa’yo pa itong school, wala akong pakialam!”, galit na tono ko at wag kayo, sinapak ko yan!

 

“Halla ka Zairus! Break na ba ituuu?”

“LQ talaga!”

“Ganyan talaga ang may relasyon, magulo!”, nagsimula na naman ang maiingay kong kaklase.

“Guys! Guys! Makinig kayo! Walang kami, okay? Walang wala! As in wala talaga promise!”, sabi ko.

“Guys! Guys! Makinig kayo! Meron kami, okay? Kaming kami! As in kami talaga promise!”, sabi naman nitong si Zairus kaya tinignan ko siya ng masama.

Badtrip -_-

“Ewan ko sa inyo! Ang gulo niyo! Wag kayong mandamay! Ayusin niyo yang relasyon niyo!”, sagot naman ni Denise. Kaibigan ko nga ba talaga ito? Ang saya ha?

Sasagot pa sana ako ng biglang pumasok yung Math teacher namin.

“Ano itong nangyayaring himala dito?”, sabi nito habang nililibot ang mga mata sa klase.

“Trahedya po ma’am. May naglolove quarrel kasi e. Kanina pa po.”, sigaw nitong isang classmate ko. Grabe bakit baa ng utouto nila?

“Ganon ba? Sino sila? Sina Kristen at Zairus na naman ba?”, tanong naman nito.

Um-oo naman yung mga kaklase ko. Kasama na doon si Denise na kanina pa nagpipigil ng tawa. Itong si Zairus naman, ngingiti ngiti pa -_-

My Sway, His Moves (COMPLETED)Where stories live. Discover now