Move Forty Two

4.7K 134 44
                                    

Chapter 42

 

Kristen’s POV

 

OKAY NA AKO.

“Christian, tapos ko na pala yung essay ko para sa school newspaper. Kanino ko ipapasa?”, tanong ko habang inaayos yung papers na hawak ko. Uwian na kasi namin ngayon at kasalukuyang nakatambay kami dito sa library.

Napatingin ako kay Christian na kanina pa nakaupo kasama sina Denise, Angela, Brian at Jasper.

“Problema niyo?”, pagtatanong ko sa kanya.

Nakakakilabot kasi, kung makatingin sila parang papatayin nila ako.

Hindi pa rin sila sumagot.

“Nako, gutom lang yan, tara MCDO, libre ko.”

“Okay ka lang Kristen?”, tanong sa akin ni Angela. “May sakit ka?”

“Oo, okay lang ako.”, sagot ko tsaka pilit na ngumiti. “Okay lang ako. Ganon talaga e, titiisin ko nalang, wala naman na din akong magagawa. Kaya OK lang talaga”

“O? Bakit ka nakangiti? PIlit ba yan o totoo?”, tanong ulit ni Brian.

Umupo muna ako sa upuan at humarap sa kanila. Andito kasi kami ngayon sa classroom.

“Nakangiti ako di dahil sa masaya ako. Ngumingiti lang talaga ako para mapatunayan sa inyo at kay Zairus na kahit nandiyan man siya o wala, masaya pa rin ako”, nakangiti pa rin ako niyan.

“Oh. Okay, so hindi ka na bitter kay Zairus?”, nakangiting tanong ni Christian tsaka nagtataas taas pa ng kilay.

“Duh, hindi ako bitter. Masakit lang talaga sa puso nang makita si Zairus na masaya sa iba samantalang ako, nagdurusa.”, sabi ko pa rin tsaka tumayo at kinuha yung mga gamit ko.

Yung kailangan mong maging masaya dahil nakikita mo siyang masaya ng hindi ka kasama. Yun lang naman.

“Mag Alaxan ka para iwas sakit at kirot!”, tawa ni Brian.

“Assumerang baliw kasi!”, asar ni Denise, laitera talaga itong babaeng ‘to.

Bago pa ako makaalis, tinignan ko muna siya. “Baliw man siguro ako sa paningin niyo, titigan niyo lang ako, siguradong mababaliw din kayo!”, natatawang sabi ko tsaka umalis na.

Natawa naman sila kaya naman pinuntahan na agad sila ng librarian. Magdusa sila!

Pumunta na ako sa room kung saan andoon yung office ng adviser namin sa Journalism tsaka pinasa na rin yung ginawa kong essay para sa school paper. Wala na akong pakialam kung pangit yung gawa ko o hindi. Basta ang importante, maganda pa rin ako sa kabila ng mga kakornihan na pinagdaanan ko.

Pagkatapos kong ipasa yung report, lumabas na ako agad sa room at pumunta sa locker room para iwan yung ibang mga gamit ko. Ayaw ko kayang magdala ng maraming gamit.

My Sway, His Moves (COMPLETED)Where stories live. Discover now