Move Forty Eight

5.1K 131 47
                                    

Chapter 48

 

Kristen’s POV

 

Ngayon ang pinakamalas na araw sa buong buhay ko. ANG SAKIT NG NGIPIN KO.

“O, ito Kristen, gusto mo ‘to? Lollipop, eto, candy. Ay alam ko na! Cotton candy!”, natatawang sabi ni Angela habang hinihila hila ako papunta sa mga tindahan ng mga sweets. :(

“Chocolate at cupcakes ang gusto nan”, sabi ni Jasper.

Nandito kami sa mall ngayon. Malay ko ba sa kanila. Dapat sana family day namin ngayon e kaso bigla na lang silang sumulpot sa bahay tapos hinila hila ako papunta dito sa mall. Kaya ayun, pati sina mama, namasyal na lang din dito, kasama namin.

“Ayaw ko ng mga matatamis.”, kahit labag sa damdamin ko, sinabi ko yan.

Napatigil naman silang lahat sa paghihila hila sa akin. Tsaka sabay-sabay na napanga-nga. -_- ano na naman bang trip ng mga ‘to?

“Isang Kristen slash baboy ang ayaw kumain ng matatamis?”, natatawang sabi ni Brian.

Umirap lang ako. Sa totoo lang, natetempt na nga akong kumain kaso nga lang, yung ngipin ko, ang sakit talaga kaya nga hindi na ako masyadong nagsasalita e.

“Bitter nga yan!”, asar ni Jasper sa akin. “Kumain ka ng matamis para mabawas-bawasan din ang pagiging bitter mo”, natatawang sabi nito.

“Masakit nga yung ngipin ko.”, matamlay na sabi ko.

“Ano?”, sabay sabay nilang tanong.

“TOOTHACHE!”, sigaw ko sa kanila.

“Ah”, sabay sabay nilang sabi tsaka napatigil. Ilang sandali naman ay napatawa na naman sila ng bahagya. Bwisit. May sakit na nga yung kaibigan nila tapos tatawanan pa nila.

“TOOTHACHE reminds us that even the sweetest thing on earth can cause us pain.”, sabi sa akin ni Angela sabay kain ng ice cream na binili niya kanina. -_-

“Tignan mo nga naman, ang daming nasisira ng matatamis. Bukod sa ngipin, nasisira rin ang puso. Tignan niyo si Kristen”, sabi ni mama. Alam na nina mama ang lahat. Siyempre, i-expect niyo na lang yun kasi nga tsismosa yung mga kaibigan ko.

“Love na naman, dami niyong alam.”, inis na sabi ko sa kanila. “Wala akong time sa love life! Masyadong korny!”

"Wala daw time sa love. Yung totoo baka wala lang nanliligaw sayo?", pang-aasar ni kuya sa likod ko.

Napa-facepalm na lang ako. “Yabang a! Ikaw nga laging basted!”, asar ko rin.

Magsasalita pa ulit sana ako nang bigla akong hinila ni mama sa mga damit.

“Isuot mo yan, dali!”, sabi nito sa akin sabay bigay ng mga dress tsaka tulak sa dressing room.

My Sway, His Moves (COMPLETED)Where stories live. Discover now