Move Thirty Seven

4.5K 126 4
                                    

Chapter 37

Kristen’s POV

“Gosh guys! Ang panget panget panget ko na! Ang haggard na ng face ko”, reklamo ni Angela habang nakatingin sa salamin at naglalagay ng polbo sa mukha.

“Huwag mong isipin na panget ka. Hayaan mo na lang kaming mag-isip nun”, sagot ko naman sa kanya.

Natawa naman ang buong barkada

“Lucky you, mirrors don’t talk and they don’t laugh either”, sabat naman nitong si Denise.

“Ayos lang maging panget Angela, basta ikaw!”, asar ko ulit.

“Inggit lang kayo kasi maganda at hot ako!”, inis na sagot ni Angela. Namumula na siya sa sobrang inis

Sa totoo lang, sa buong barkada, si Angela talaga yung magandang asarin. Ang cute kasi niyang magalit. :D

“Kung feeling mo maganda ka, sige ipagpatuloy mo, malay mo naman magkatotoo. Maniwala ka lang sa himala”, asar ni Brian.

“Hot ka? Sige, masunog ka sana”, dagdag naman ni Jasper.

“Hindi ko alam kung bakit ko pa kayo naging kaibigan! Nagsisisi ako! Akalain niyo yun? Ang tanga ko pala nung nakilala ko kayo?”, inis na sabi ni Angela habang nakatingin pa rin sa salamain at flinip yung hair niya.

“Wag kang mag-alala Angela, sino bang nagsabi na ginusto ka rin naming kaibiganin? The feeling is mutual dear”, sabi ni Denise habang flinip yung buhok niya.

Ilang sandali pa, bigla ulit nagsabugan ng tawanan naming tatlo. Ang swerte ko talaga kasi meron sila sa tabi ko kahit medyo kalog.

“Duh, at least naman, mas maganda ako kaysa kay Yasmine girl na yun no”, pagmamayabang ulit nito.

Ugh. Naalala ko na naman si Yasmine.

“Kaya nga, panget na nga, panget pa ang ugali. Sige, push niya yun! Malanding higad!”,inis na sabi ni Jasper.

Natatawa naman ako sa reaksyon ng mga kaibigan ko. Well, kanina pa kaming nakaupo dito sa garden malapit sa gymnasium, wala lang, bonding naming magkakaibigan. Sa totoo lang, dalawang oras na kami dito e. 6pm na pero bawal pang umuwi kasi di pa naman tapos ang program.

“Alam niyo, maganda rin naman si Yasmine e kaso mas maganda sana siya kung wala siyang ulo”, napakamot ng ulo na sabi ni Brian.

“Wag na kayong manghusga, masama yan. Tsaka tapos na rin yun”, sabi ko pero deep inside, masakit pa rin. Kayo naman kasi ang i-judge ni Yasmine ng ganon. Yung hindi ka naman kilala tapos kung makapaghusga, wagas? Thank you ha. -_-

.Twinkle twinkle little star! How I wonder what you are~

Kanta nina Brian habang naglalakad lakad kami kung saan saan may action pa sila niyan ni Jasper, tinataas nila yung kamay nila habang sinasara at binubuksan ito. Close Open. Para silang tanga, sa totoo lang.

Medyo boring na kasi nag-aayos na yung mga stalls kasi nga, last night na ng school fest namin.

“Guys, di ba may show ngayon sa gym? Punta tayo.”, yaya ko sa kanila.

“Boring, nakakatamad”, sagot ni Denise habang nilalaro niya yung buhok niya.

“Kaysa naman sa magtunganga tayo dito na parang tanga”,sabi ko.

“Kaysa naman sa masira yung eardrums natin sa kakarinig ng mga nakakasawang music nila at masira yung mga mata nating manood ng boring na performance nila. Ano?”, pagtataray ni Angela

My Sway, His Moves (COMPLETED)Where stories live. Discover now