Move Forty Five

4.4K 125 30
                                    

Chapter 45

 

Zairus’ POV

 

 

“Yasmine, gusto mo nito, isaw, tsaka ito o, kwek kwek.”, sabi ko kay Yasmine. Andito kasi kami sa park ngayon e tsaka nakakagutom din kaya pinunta ko siya dito sa nagtitinda ng mga streetfoods. Dito yung malapit e. tsaka masarap din naman yung mga tinda dito. Natikman ko na noon.

“Pagkain yan?”, nandidiring tanong niya.

“Yup. Tikman mo.”, sabi ko tapos sinusubuan ko siya pero tumanggi naman ang maat.

“No, dirty yan. Doon na lang tayo sa restaurant. At kailan ka pa natutong kumain ng mga ganyan? Gosh. Malay mo nakakamatay yan”, maarteng sagot niya.

Pasalamat siya kasi mahal na mahal ko siya e!

 

“Alam mo Yasmine, kailangan mo rin ng konting dumi sa katawan!”, inis kong sabi sa kanya. “Kumain na ako noon, nalason ba ako?!”, pagpupumilit ko sa kanya.

“Minsan kasi, bago ka umayaw, subukan mo muna kung magugustuhan mo o hindi. Wag kang basta-bastang mag-judge!”, bigla bigla na lang pumasok sa isip ko yang linyang yan. Yung sinabi ni Kristen sa akin dati.

 

Pero dahil nga ayaw kumain ni Yasmine, naglakad lakad na lang kami sa may park nang may nakita kaming mga pambatang booths. May mga naglalaro at yung talagang pinagtuunan ko ng pansin e yung painting booth.

 

“Zairus, you’re just wasting your time. Bumili ka na lang ng painting materials mo instead na dyan ka magpepaint. Madudumihan ka lang.”, sagot ni Yasmine nang niyaya ko siyang pumunta sa painting booth.

“Yasmine naman e, minsan lang naman ‘to”

 

Tahimik lang siya tsaka hinila niya ako papunta sa swing sa may children’s park. Tss. Ang boring. Kung si Kristen lang siguro ang kasama ko dito e di sana masaya. ANOOOO?! Wala akong sinabi huh. Wala yun. Wag kayong mga tsismosa.

 

“I’m sorry Zairus. I don’t want to lose our friendship. Magkaiba ang best friends sa lovers. I apprerciate all your efforts para mapansin kita pero, nakakasakit ka na kasi sa iba. Tinuring na kitang kapatid at tsaka, one more thing, you don’t deserve me. Learn to open your eyes and heart kasi hindi lang naman ako ang babaeng iniikutan ng mundo mo. Marami pa namang iba.”, seryosong sabi ni Yasmine nang nakaupo na kami sa swing.

Tumahimik na lang ako. Hindi naman ako nasaktan sa sinabi ni Yasmine e di katulad ng dati. Tsaka, pakiramdam ko, parang hindi ko naman siya gusto. Nakakalito. Kung nalilito kayo sa akin, mas nalilito rin ako sa sarili ko! Tngna! Ano bang klaseng utak ang meron ako?!

 

“Ang sweet natin noon.. Sabi mo minahal mo sya pero mas minahal mo ko… Masaya pa nga tayo di ba! Ngayon bumabalik siya iniwan mo ko… Ngayon pa! Na di ko na kayang mawala ka…”

My Sway, His Moves (COMPLETED)Where stories live. Discover now